Chapter 85

6.4K 143 33
                                    

Chapter 85

Jutay POV:

Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon pauwi sa bahay na tinutuluyan ko.

Hindi na ako nag-atubling pumasok pa ng panghapon na klase dahil wala rin naman akong matututunan.

Saktong ala-una ng hapon ako nakarating roon.
Pero hindi ko inaasahan na may isang tao akong nasilayan sa mismong pinto ng aking bahay.

She's waiting for me at tila kanina pa itong nakamukmok sa labas.

Mabilis naman akong bumaba ng makilala ko ang babaeng yon.

"Sarah, anong ginagawa mo rito?"

Yan agad ang tanong ko sa kanya nang tuluyan akong makalapit sa pwesto nya.

Bigla nya naman akong yinakap ng mahigpit at matapos non ay hinawakan nito ang aking pisngi.

"Gino, ilang beses akong nagpabalik-balik dito para lang makamusta ka, pero hindi kita naabutan."
"--Nalaman ko kasi ang nangyari kay Airah, kaya gusto ko sanang matanong kung ayos lang ba sya? Kasi sobra akong nag-aalala sa kanya."
wika nito na may awa ngang bumabalot sa ekspresyon ng kanyang mukha.

Iniwas ko ang tingin ko rito at linagpasan ko sya pero bago ko buksan ang pinto ng aking bahay ay liningon ko ito.

"Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng babaeng yan." Malamig na sambit ko.

"--but Gino, p-pano kung di nga ginusto ni Airah yung nangyari sa kanya?" Biglang tanong nito sa akin.

"Tsk. Ginusto nya yon tangina!"
"--at saka pwede ba umalis ka na." tugon kong saad sa kanya at tinalikuran ko muli sya para buksan na ang pinto.

Ang buong akala ko ay aalis na ito pero hindi, sumunod ito sa akin papasok ng bahay.

"Sarah--"

"Gino, gusto kong damayan ka. So please lang, wag mo naman akong paalisin."
"--Im here to help you, para kahit papano ay mawala ang galit na bumabalot sa puso mo." wika nito sa akin.

Hindi na ako umangal pa dahil halata palang sa boses ni Sarah na gusto nya akong tulungan.

Patapon ko naman ibinalibag sa sofa yung bag na dala ko.

Nakita kong tumungo si Sarah sa may kusina at tila may hinahalungkat ito sa ref.

Pangiti itong tumingin sa akin habang bitbit nya na ang isang bote ng wine.

"I know na you love Airah."
"--Hindi kita masisisi kung bakit nasasaktan ng husto dahil sa ginawa nya."
"--But always remember Gino, na andito lang ako for you."
"--Alam kong hindi na natin maibabalik yung dating tayo, pero sana hayaan mo akong pagaanin ang loob mo,"
"-- so here, mag-inuman tayong dalawa." Mahabang pahayag nito at sya na mismo ang syang naglagay ng wine sa baso.

Inilahad nya naman ito sa akin kaya no choice kundi ang kunin ko na lamang yon.

Gusto ko rin namang uminom dahil nga't nangingibabaw na naman ang galit ko kay Airah nung makita kong masayang-masaya sya kay Jake.

Fuck!
Hanggang kailan ba matatapos ang kalandian nya?!

Hindi pa yata sapat yung dalawang lalaki na pinagsaluhan ang katawan nya.

Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Sarah na hinawakan ang hita ko kaya napatingin ako rito ng wala sa oras.

"Alam mo Gino, wala ako sa posisyon ni Airah pero alam kong nasasaktan sya dahil sa panghuhusga ng mga tao sa kanya."
"--Kaso, hindi ko alam kung bakit nya ginawa yon?"
"--I mean, Oo--naaawa ako sa kanya, but yung video kasi napakalaking ebidensya yon Hayss!"
"--Ang gulo, maging ako ay naguguluhan." saad nya sa akin.

Sya itong unang tumungga ng wine at nang maubos ang laman non sa baso ay muli itong naglagay.

Wala akong nagawa kundi ang mapatingin na lamang sa kanya.

Kung hindi lang sana nahulog ang loob ko kay Airah, masaya siguro kami ngayon ni Sarah.

Aaminin ko, may pagmamahal pa rin ako sa babaeng nasa tabi ko, pero hindi na yung mahal na mahal.

"Oh? Bakit parang nakatulala ka yata sa akin?" Puna nito sa akin.

"Wala, may naalala lang ako." tanging sambit ko sa kanya at ako na rin itong sumunod na uminom ng wine.

"Hindi talaga ako makapaniwala na mangyayari ang lahat ng yon."
"--Masyadong mabilis kasi."
"--Bumalik lang ako ng Manila tapos kinaumagahan meron ng viral video si Airah na kumakalat." malungkot na wika nito.

"Tsk. Wag mo ng ipaalala sa akin yon Sarah." saad ko sa kanya.

"Sorry." malumanay na bigkas nito sa akin.

"--Uminom na nga lang tayo." muling sabi nya at nakipagcheers sa akin.

Tuloy-tuloy lang ang pag-inuman naming dalawa.
Hanggang sa naabutan kaming alas-tres ng hapon.

Buhat na rin siguro ng alak ay nawala ito sa sarili at bigla itong napaiyak.

"Alam mo Gino, nasasaktan ako."
"--Nasasaktan ako dahil nasasaktan ka."
"--A-akala ko magiging masaya ka kay Airah kaya tumigil na ako sa paghahabol sayo pero nagkamali ako."
"--Dapat pala di na lang kita hinayaan na mapunta kay Airah kung ganyan ang mangyayari sayo."
"--Im so stupid! Feeling ko kasalanan ko kung bakit nasasaktan ka ng husto."
humihikbing wika nya na may kalasingan sa kanyang boses.

Nakita ko na rin ang pag-agos ng kanyang luha na lumalabas sa mata.

Dahil hindi ako sanay na makita syang umiiyak ay pinunasan ko ang luha nito gamit ang aking kamay.

"Sarah, wag mong sisihin ang sarili mo."
"--Hindi mo kasalanan yon, kasalanan ko dahil nagpauto ako kay Airah."
"--Tangina, sana pala di ko na lang minahal ang tulad nya." Sambit ko naman.

Sa puntong ito, kayakap ko na ang dalagang nasa tabi ko ngayon.

"Ang gago ko dahil nakipaghiwalay ako sayo." muling bigkas ko.

Dahil sa sinabi kong yon ay kumalas ito sa pagkayakap.

Tiningnan nya ako ng diretsa sa mata, at pilit na ngumiti.

"No Gino, hindi ka gago. Nagmahal ka lang."
"--Kaya naging tanga ka sa babaeng akala mo mahal ka." Pahayag nito na binabalot pa rin ng lungkot sa kanyang boses.

"Pero ayos lang yon, ganon naman talaga ang Pag-Ibig."
"--But to be honest Gino, m-mahal pa rin kita hanggang ngayon." pag-aamin nito sa akin.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya.

Pero isa lang ang alam ko, si Sarah yung babaeng nagiging totoo sa akin.
Ibang-iba sya kay Airah.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now