Chapter 54

8.2K 212 16
                                    

Chapter 54

Airah POV:

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa aking pwesto matapos akong halikan ni Jutay sa harapan ni Jake.

Basta ang alam ko lang ay may taong humila sa akin at hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin nya ang kamay ko habang tinatahak namin ang likod ng aming building.

Nang matunton namin yon ay huminto na kami sa pagtakbo kasabay ng pagbitaw nya ng aking kamay.

"Annie?" Hindi makapaniwalang bigkas ko nang makilala ko yung taong humila sa akin.

Yes, si Annie.
Isa sa mga kaibigan ko.

Ang kanyang tingin ngayon ay may halong pagtataka na tila ba naguguluhan sa pangyayari.

"Airah, kaibigan mo ako right? Pero ano ba talaga ang totoo? Gulong-gulo na kasi ako.
Liniligawan ka ni Jake pero boyfriend mo na pala si Gino? Paano nangyari yon?" tanong nito sa akin habang
naka-kunot-noo pa.

Bakas sa mukha nya ang pagkadismaya.
Kaya pala masyado syang tahimik kanina at sila lang na kaibigan ko ang hindi nag-react nung sabihin ni Jutay na girlfriend nya ako.

"Akala ko pa naman, wala ka ng secrets sa amin." malungkot na sambit nyang muli.

"Annie, walang kami ni Gino. Hindi ko alam kung bakit nasabi nya yon sa harapan ng maraming tao pero wala talagang kami." paliwanag ko sa kanya pero tila hindi pa sya kumbinsido sa aking sinabi dahil hindi pa rin nawawala ang kaguluhan sa kanyang isipan.

"Annie, makinig ka. Walang namamagitan sa amin ni Gino, baka trip nya lang na sabihin yon kanina." muling saad ko rito.

Walang gana naman itong huminga at malungkot pa ring nakatitig sa akin.

"Kung totoo yang sinabi mo bessy, Sige paniniwalaan kita." tanging sambit na lamang nya.

Yinakap ko naman sya kasabay ng pagpapasalamat ko sa kanya dahil kahit papano ay naiintindihan nya ako.

Nagkwentuhan na muna kaming dalawa ni Annie sa likod ng building namin ng mahigit isang oras.
At nang wala na kaming ma-itopic ay nagdecide na kami na bumalik sa classroom.
But suddenly, naagaw bigla ang atensyon ko nang makita ko ang babaeng nagdadrama sa gitna mismo ng campus.

Umiiyak ito at nagmamakaawa habang nakayakap ito ng patalikod kay Gino.

Lahat siguro ng mga estudyanteng dumaraan ay napapatingin sa kanya dahil sa eksenang ginagawa nya.

"Sino sya?" mahinang tanong ni Annie na katabi ko ngayon.
Maging sya ay nagtataka kung bakit ganon na lamang kung makayapos ang dalaga kay Gino.

Hindi ko na lamang sinagot ang tanong nito sa halip ay tinuon ko muna ang atensyon ko sa dalawa.

"Bhoo, nangako ka sa akin. You promised me na hindi mo ako hihiwalayan."
"--Bhoo naman, nasasaktan mo na ako."
"Bawiin mo yung sinabi mo please" humihikbing sambit ni Sarah habang mahigpit na nakayakap kay Jutay.

Inaalis naman ni Gino ang kamay ng dalaga kaso binabalik pa rin nito.

Kung titingnan halatang desperadang-desperada na talaga si Sarah sa mga oras na to.

"Bhoo, pleaseeee, wag mo akong hiwalayan. Hindi ko talaga kaya eh." muking bigkas nito at sa puntong yon ay napaluhod na ito sa binata.

"Gagawin ko ang lahat, wag mo lang ituloy na hiwalayan ako. Mahal na mahal kita Gino."
"At ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin." umiiyak na sabi nya.

Walang nagawa si Gino kundi ang ayain itong tumayo.

"Tsk. Kawawa naman si ate girl." Rinig kong sambit ni Annie kaya siniko ko naman ito.

"Wag kang maawa sa babaeng yan, dakilang plastik yan." Sabi ko sa kanya.

"-Halika na nga, bumalik na tayo sa room." Pag-aaya ko kay Annie at hinawakan ko ang kanyang kamay para tumungo na sana sa classroom.

Pero hindi pa man kami nakakalayo ay naantig ulit ang aking tenga.

"Ayieeeeeeeeeehhhh."
"Oh My Gosh."

Kanya-kanyang reaksyon at sigawan ng mga estudyante ang narinig ko na bumalot sa loob mismo ng campus.

Dahil sa curious ako ay lumingon ako sa likod at tiningnan muli sila Sarah at Jutay.

At ngayon, kita mismo ng dalawang mata kung paano sila maghalikan.

Halik na dulot nito sa akin ay sakit.
Halik na makakapaglumo sa aking mga mata.

Parang kanina lang ay ako itong kahalikan nya pero ngayon sila ng dalawa ni Sarah ang magkahalikan.

Matamlay akong tumalikod muli at minabuti kong alisin na lamang ang tingin ko sa kanila.

Kasi anytime, alam kong papatak na ang aking luha.

"Manloloko pala ang Gino na yan eh, so trip ka lang pala na ipakilalang girlfriend nya sa harapan namin ganon?" inis na wika ni Annie.

Hindi ko na pinakinggan pa ang kanyang sinasabi dahil mas lalo akong nasasaktan.

Bago pa man kami makapasok sa classroom ay napahinto ako.

"Sige una ka na Annie, C.R muna ako." pilit na ngiting saad ko rito at agad na akong tumakbo papuntang Cr.

Kung minamalas ka nga naman ay lahat ng Cr ng girls ay may gumagamit na.
So I don't have a choice kundi ibuhos na lamang ang aking luha sa labas mismo ng Cr.
Nanghihina akong napa-upo kasabay non ay linabas ko na ang luhang kanina pa gustong pumatak.

'Bakit kasi ganon?
Bakit kahit nasasaktan na ako ay si Jutay pa rin talaga ang gusto ng puso ko?
Bakit kahit paulit-ulit na akong naging tanga sa kanya ay sya pa rin itong hanap ko?
Bakit kasi di na lang si Jake ang minahal ko?
Bakit di na lang sya itong tinibok ng puso ko?
Ganito na siguro kung maglaro si tadhana sa akin.
Larong may halong sakit ang ginagawa nya sa tulad ko.'

Nang maubos ko na ang luha ko ay inangat ko na ang aking ulo at pinunasan ang magkabilang pisngi ko.

"Tapos ka na bang umiyak?" Isang tanong na nang-galing sa taong nakatayo sa harapan ko.
Dahan-dahan akong napatingala para tingnan kung sino ang taong yon.

"--Jake?" bigkas ko sa pangalan ng lalaking nasa harap ko.

Paluhod itong umupo para maging kapantay nya ako kasabay non ay dinukot nya ang panyo sa kanyang bulsa at sya na itong nagpatuloy magpunas ng mga luha ko.

"Mahal mo si Gino, tama ba?" sambit na tanong nito na akin namang ikinagulat.

"J-jake."

"Dahil sa kanya, kaya ka umiiyak diba?" tanong nyang muli.

"J--ake kasi--"

"Airah, I understand. Kaya wala kang dapat na ipaliwanag. Dahil matagal ko ng halata iyon." saad nya na alam kong ngumingiti sya para ipakitang hindi sya nasasaktan.

"Kaya siguro , hindi mo ako masagot-sagot dahil si Gino talaga itong mahal mo."
"--Pero ayos lang Airah, hindi mo kasalanang mahalin sya." patuloy na wika nya at marahan nyang hinaplos ang aking ulo.

"Kaya wag kang mag-alala Airah, kahit hindi mo ako mahal , andito pa rin lagi ako sa tabi mo at hindi kita iiwan." sambit nito sa akin.

Siguro kung sagutin ko ngayon si Jake ay hindi ako iiyak ng ganito at masasaktan.

He's My Boss (Book 1) CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant