Chapter 20»»»

10.5K 277 6
                                    

Chapter 20

Airah POV:

Pinagmasdan kong mabuti si Jutay na kanina pang nakatingin sa akin. Tila ba hindi siya makapaniwala sa ugaling pinakita ko sa kanya.
Hindi pa yata siya sanay sa pagmumura ko.

Narinig ko ang malalim na hininga nito kasabay ng pag-upo sa kama.

"Magiging boss mo na ako bukas. Kaya ayusin mo ang ugali mo.", sambit ng binata sa akin.

"Ayusin? Bakit gusot ba ang ugali ko? Kung makapagsabi ka naman sa akin, akala mo kung sinong mabait. Like duh!", maarteng sabi ko rito.

"Aray!", impit na sigaw ko nang mabilis n'yang kabigin ang aking bewang. Kaya ang posisyon namin ngayon ay naka-upo ako sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil ramdam ko ang mainit na hininga niya sa aking leeg.
Gusto kong umalis at tumayo ngunit hindi ko magawa dahil masyado s'yang malakas at masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang.

"J-jutay ano ba! T-tatayo ako.", nangangaratal na sabi ko.
At this point, alam kong namumula na ang aking pisngi.
Potah! Hindi na ako mapakali dahil tila may nararamdaman akong kakaiba sa inuupuan ko .
Medyo matigas ito at sa tingin ko, ang hotdog ito ni Jutay.

"Alisin mo nga ang kamay mo sa bewang ko at tatayo na ako.", bigkas kong muli pero 'di man lang ito natinag.

"Hindi ka aalis hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ko.", pangbablackmail nito sa akin.

"Ano ba kasing gusto mo?! Sabihin mo na, para makauwi na ako!", sigaw ko rito pero ang mata ko ay hindi nakatingin sa kanya.

Pagtumingin kasi ako sa mukha nito, baka magdikit ang labi naming dalawa. Masyadong malapit kasi ang pagitan namin sa isat-isa.

"Yung sinabi ko sa'yo kanina. Dapat sa akin lang ang atensyon mo. At dapat lahat ng gagawin mo, alam ko.", wika ni Jutay sa akin.

Kaya wala sa oras, napalingon ako sa gawi niya.
Ganon na lamang ang kabog ng puso ko nang dumikit ang aming ilong.

"Ayoko nga. Boss lang kita at hindi kita boyfriend para sundin ang gusto mo.", matigas na saad ko rito sabay iwas ulit ng tingin.

Ang hirap naman kasi ng pinapagawa niya noh?
Anong akala niya sa akin? Girlfriend niya?
Aba't gago pala siya!

"Okay, if that's what you want. Hindi ka aalis dito.", smirk na saad ng binata at nginuso nito ang posisyon naming dalawa.

"Bahala ka. Habang tumatagal na nakapatong ka sa akin, nagagalit ang alaga ko.", husky na sambit niya muli.
"--Baka hindi mo magustuhan ang ginagawa nito kapag nasobrahan na sa galit.", patuloy na pagbabanta niya sa akin .

Dahil open-minded naman ako sa lahat ng bagay, alam ko na ang tinutukoy niya.
Kaya hindi ko na nakayanan pa at tinulak ko siya ng malakas dahilan para makabig rin ako pahiga sa kanya.
Mukhang naging mas malala yata ang posisyon namin ngayon dahil sa ginawa ko.
Potah Airah! Wrong move ka!

Mabilis akong tumayo kasabay ng pagbato ko ng unan sa mukha nito.

"Gago ka ha! Manyak mo! Manyak! Grrr...", gigil na gigil na saad ko.
At bago ako umalis, tinapunan ko pa siya ng matalim na tingin.
Hindi pa rin talaga nagbabago ang jutay na 'to, masyado pa rin s'yang bastos!

Pa'no pa kaya bukas na yaya niya na ako?
Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko?

Sarah POV:

Kasalukuyan akong kumakain ngayon sa isang mamahalin na restaurant dito sa lugar namin.

Nakakainis nga eh! Kahapon kasi na magkasama kami ni Gino, masyado siyang tipid dahil sa isang cheap niya ako dinala! At nung sinundo niya ako sa airport, ewww taxi ang sinakyan namin.
Akala ko pa naman jackpot ang pagbalik ko rito.

But anyways, alam kong may ari-arian na pagmamay-ari si Gino. So konting tiis na lang at makukuha ko na 'yon sa kanya.
All I need to do, pilitin siyang pirmahan ang mga papeles.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko, bigla namang nagring ang phone ko na nakapatong sa mesa.
Napangiti ako nang mabasa ko sa screen kung sino ang tumatawag.

"Oh babe? Napatawag ka?",masiglang sambit ko sa kabilang linya.

"Kakagising ko lang kasi babe, kaya naisipan kong tawagan ka. Masyado ko lang namimiss ang boses mo.", sweet na wika nito sa akin dahilan para ako'y kiligin.

"Ikaw talaga babe. Isang araw palang tayong 'di nag-usap, namiss mo agad ako?",

"Yes babe, sobrang namimiss kita. Hayaan mo, isang buwan na lang at matatapos na ang kontrata ko rito. Makakabalik na rin ako d'yan sa Pinas.", pagbabalita niya.

"Really babe? So it means, magsasama na tayo.",

"Yes of course. Kaya dapat, maasikaso mo agad ang plano nating dalawa.", bigkas nito.

"Don't worry babe, inaasikaso ko na 'yon. Konting lambing at harot ko lang kay Gino, tiyak pipirma agad siya.", sambit ko naman sa kanya.

Nga pala, siya si Ralph. Ang boyfriend ko. Halos isang taon na rin ang relasyon naming dalawa. Patago lang ito dahil hindi pwedeng malaman ni Gino ang tungkol sa amin.
May kailangan pa kasi akong tapusin na dapat makuha kanya. Walang iba kundi ang ari-arian nito.
Ito naman talaga ang plano namin ni Ralph sa umpisa palang. Dahil once na nakuha namin 'yon, hindi ko na lalapitan pa si Gino.

Damn it! Hindi ko naman talaga mahal si Gino. Kayamanan lang talaga ang habol ko sa kanya.
Mabuti na lang at patay na patay sa akin ang binata.
Kung landian lang ang usapan, kaya kong akitin siya.

Matapos naming mag-usap ni Ralph, binaba ko na ang phone at pinagpatuloy ko na ang pagkain.
At nang matapos, iniwan ko na sa mesa ang perang bayad ko.

Lumabas akong masaya at busog ang tiyan dahil sa mga sosyal na foods dito.

"Bukas na bukas, sisimulan ko ng landiin si Gino.", sambit ko sa aking sarili kasabay ng pag-guhit ng kakaiba kong ngiti sa labi.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now