Chapter 78

6.2K 137 19
                                    

Chapter 79

Sarah POV:

Habang naghihintay ako sa labas ay rinig na rinig ko ang ungol ng babae sa loob.

Siguro ay sarap na sarap ito sa dalawang lalaking gumagalaw sa kanyang katawan.

Masyado talaga itong pokpok at hindi nagkamali ng pinili sila Ronald.

Halos kalahating oras bago natapos ang tatlo sa mainit na pagsasalo nila sa kama.

Nang matapos yon, ay nakita ko ang aking boyfriend na si Ralph na lumabas ng kwarto.

Palapit na sya sa aking gawi ngayon habang bitbit ang camera na kanyang ginamit sa pagkuha ng video.

Base sa mukha nito, umaapaw ang kasiyahan nya.

"Grabe babe! Ang hot ng ginawa nila sa loob. Medyo nainggit nga ako eh." bigkas niya nang makalapit sya sa akin ng tuluyan.

"Patingin nga." sambit ko rito kasabay nang pag-hingi ko sa kanya ng camera.

Mabilis nya naman itong inilahad sa akin kaya inumpisahan ko na itong panoorin.

Wild na wild nga ang galawan ng babaeng yon.
Kung makikita ay sanay na sanay ito sa kama.

"Ano sa tingin mo babe? Okay na ba yan?" tanong ni Ralph sa akin.

"Super duper okay!"
"I'm so excited sa magiging kalalabasan nito kapag inupload ko to sa YouTube." ngising wika ko.

Hindi na ako mahihirapang mag-edit sa mukha ng babae dahil ang ibang position nito ay nakatalikod.

This time, tuluyan na ngang masisira ang pagkatao ni Airah.

Isa na syang patapon at maruming babae na tatatak sa isipan ng mga tao.

Hindi na ako nagpatagal pa dahil tumatakbo ang oras.
And beside, maraming naghihintay sa continuation ng sex scandal ni Airah.

Kaya nang makuha ko ang memory na ginamit sa camera ay tumungo na ako sa aking kwarto at sinimulan ko na itong inedit.

Gaya ng sinabi ko, nag-aral ako sa pag-eedit ng video kaya sisiw na sisiw na sa akin ang ganitong bagay lalo pa't ilang beses lang nakaharap ang mukha ng babae sa camera.

Halos isang oras lang ang ginugol ko sa pag-eedit ng sex video.

Nang tuluyan na akong matapos ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ko na itong inupload sa YouTube.

#ContinuationOfsexscandalwith2Boys

"Perfect!" sigaw ko habang nangingibabaw ang saya sa aking puso.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Ralph mula sa aking likuran kasabay non ay pinisil nya ng bahagya ang aking dibdib.

"Advance Congratulation sa ating dalawa babe." sambit nito.

Sa sinabi nyang yon ay pakiramdam ko nagtagumpay na kami.

Limang minuto palang ang tinagal at halos nasa tatlong libong tao na agad ang nakapanood.

Binasa ko ang mga nagkomento sa mismong video at sa mga sinasabi nito ay halos masasakit nga ang binabato nito kay Airah.

Eto na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ang makitang mapagbasak ang babaeng naging hadlang sa mga plano ko.

Gino POV:

Pauwi na ako ngayon sa Mansion namin sa Bicol, medyo lasing na rin ako dahil sa ilang beer ang nainom ko sa club.

Nang makarating ako ng tuluyan don ay biglang nagvibrate ang aking phone.

Mabilis ko naman itong dinukot at tiningnan ang notification na bumungad sa aking screen.

Sa caption palang nito ay biglang kumabog ang aking puso.

Tila nawala ang pagkalasing ko at unti-unti na namang nangingibabaw ang aking galit.

Yung mukha ni Airah at yung kilos nya pagdating sa kama,
hindi ko lubos maisip na ganito pala syang babae.

Oo, si Airah nga.
Yung babaeng akala ko ay malinis na tao at inosente , yun pala ay masyadong maharot sya sa lalaki.

Kita mismo ngayon ng dalawang mata ko kung paano sya pagsaluhan ng dalawang lalaki.

At sa  video na to, tuluyan na ngang nakuha ang kanyang pagkababae.

Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat.

At sa tingin ko, tama nga ang naging desisyon ko na pagtabuyan sya.

Ang babaeng katulad ni Airah ay hindi na dapat pag-aksayahan pa ng oras para pakinggan ang paliwanag nya.

Dahil sa galit ko ngayon, ay malakas kong itinapon ang cellphone na hawak ko.

Malakas ko ring sinipa ang aking kotse at marahas kong sinabunutan ang aking buhok!

Tangina!
Dapat pala nakinig na ako kay Sarah sa umpisa palang, puta!

Jake POV:

Busy ngayon si Airah na pinapanood ang mga tanawin sa labas.

Ang buong akala ko ay magiging tahimik na ang loob ng bus dahil hindi na muling nagsalita ang babaeng nasa unahan ng upuan namin.

Pero ilang minuto palang ay may isang lalaki ang syang narinig ko sa aming likuran.

"Shet! Ang wild nito pre, ang galing ng babae umindayog at gumiling habang nakapatong."

Sa sinabi palang nito ay halatang porn ang kanilang pinapanood.

Hindi ko na sana ito papansinin nang muli itong nagsalita.

"Miss, konting galaw na lang at magiging katulad ka na ni Mia Khalifa."

Nagulat ako sa sinambit nito lalo pa't bigla nyang kinalabit si Airah.

Kaya awtomatikong napakunot-noo ang babaeng katabi ko ngayon.

"A-anong pinagsasabi mo?"
Tanong ni Airah na tila hindi nya alam ang tinutukoy ng lalaki.

"At sinong Mia Khalifa?" patuloy na tanong nya.

Hindi ako nanonood ng porn pero kilala ko si Mia Khalifa dahil madalas ito ang bukambibig ng mga lalaki kapag nasa C.R kami.

"Abah, sa wild mo dito Miss, hindi mo kilala yon?" natatawang sambit ng lalaki.

"Hindi kita maintindihan." inis ng sabi ng babaeng mahal ko.

"Anong hindi mo alam? Yung babaeng laman lagi ng sex scandal, sya si Mia-- na ngayon ay sinundan mo ng yapak dahil sa continuation ng video mo kahapon." mahabang litanya nito at mabilis na itinutok sa amin ang cellphone na kanyang hawak.

"Ayan oh, kung wild ka kahapon, abah mas wild ka yata sa mga sumunod na video." patuloy na sambit ng lalaki.

Dahil sa sobrang pagtataka ko naman ay hinablot ko yung cellphone nito at tiningnan ang kanyang pinapanood kanina.

Halos malaglag ang aking panga nang makita ang mukha ni Airah, at yung damit nya ay pareho pa rin ng damit na nasa video.

Kung sabagay, continuation nga ito ng kumakalat na scandal nya kahapon.

Narinig ko naman ang paghikbi ng babaeng katabi ko ngayon.

"H-hindi. Hindi totoo yan. Jake, hindi totoo yan. Hindi ako yan. Jake, yung kahapon na video, aaminin kong ako yon p-pero yan-- hindi na ako yan Jake. Hindi na ako yan." bigkas ni Airah habang umiiling.

"Jake, walang nangyari sa amin ng mga lalaking yan."
"Hindi ako yan. H-hindi ko magagawa yan." patuloy na hikbing sambit nito.

Gulong-gulo ako sa mga oras na to, pero isa lang ang nangibabaw sa akin ngayon.

At yun, ay ang pagtitiwala ko kay Airah.

Muli kong yinakap sya at marahan kong hinaplos ang kanyang likuran.

"'Ssshh, dont cry Airah. I trust you."
"Andito pa rin ako sa tabi mo." saad ko rito kasabay ng paghalik ko sa kanyang buhok.

Sa puntong ito, biglang sumagi sa isip ko kung sino ang kumalat ng pekeng videong ito!

Tangina, kung sino man sya, pagbabayaran nya to!

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now