Chapter 63

7.8K 177 31
                                    

Chapter 63

Jutay POV:

Gaya ng sinabi ng babaeng mahal ko ay lumabas na nga ako para kausapin si Sarah, ayoko kasing makagulo sya sa aming dalawa.

Alam ko na noon ay sa kanya ko to naipangako.
Pero ngayon, kay Airah ko na talaga gustong gawin lahat ng naipangako ko dati kay Sarah.

Tama nga sila, maraming pwedeng magbago.

Nang pumunta na ako sa may sala ay nadatnan ko  agad si Sarah na nakaupo habang may malalim na iniisip.
Bigla naman itong ngumiti sa akin nang makita nya ako kasabay ng pagtayo nya para sana ako'y yakapin pero agad ko naman syang pinigilan.

"Gino." malungkot na sambit nya.

"Sarah, hindi mo na ako pwedeng yakapin pa at halikan, dahil iba na ngayon." wika ko rito.

Nakasimangot naman syang tumango.

"Okay, I understand Gino." saad nya sa akin.

Dumako naman ang aking mata sa mga gamit na dala nya.
Isang malaking maleta ito na animo'y ilang araw syang magbabakasyon sa Bicol.

"Ahm, kung iniisip mo na magtatagal ako sa Bicol, nagkakamali ka." pangunguna na agad nitong sabi.

"Okay." tipid kong sambit na lamang sa kanya.

Nawawalan na talaga ako ng gana makipag-usap pa kay Sarah kaya nanatiling tahimik na lang ako.

Ilang minuto ay lumabas na si Airah ng kwarto habang dala ang mga gamit naming dalawa.

Lumapit naman ako para tulungan sya.

"Ako na ang magdadala nyan." saad ko sa kanya

Ngumiti lang ito sa akin at nagpasalamat.

Ilinagay ko na ang mga gamit sa likod ng kotse.

"Gino, palagay na rin ng gamit ko ohh." sulpot na sabi ni Sarah sa likuran ko.

Sumunod pala sya sa akin nang hindi ko man lang namalayan.

"Tsk. Ikaw na lang ang maglagay, maliligo pa ako." inis kong sambit rito at iniwan ko na sya.

Bumalik ako sa loob at naabutan kong may inaasikaso si Airah sa kusina.
Marahan ko naman syang yinakap mula sa likod at hinalikan sya sa pisngi.

"Goodmorning." malambing na bati ko rito.

"-Hmm, Goodmorning din." tugon nya naman kasabay ng pagharap nya sa akin.

"Here, pinagtimplahan kita ng kape Gino para sa ganon mainit-initan ang dibdib mo bago maligo." wika nitong muli sabay lahad ng tasa na may kape.

"Thanks Airah." sambit ko rito at marahan kong ininom ang kapeng hawak ko.

"Sabay na lang kaya tayo maligo, total hindi ka pa naman naliligo diba?"
Wala sa oras ay bigla itong lumabas sa bibig ko.

Kaya nakatanggap lang naman ako ng pingot mula sa kanya.

"Loko ka. Ano yon, shower together? Hahaha manyak mo talaga." natatawang sabi nito.

Inilapag ko naman ang iniinom kong kape sa may lababo at hinarap ko na ng diretsa si Airah.

"Suss, sino kayang manyak sa atin? Sa pagkakaalala ko kasi, may isang babaeng
nagnakaw ng halik sa akin habang natutulog ako." pagpaparinig ko sa kanya.

Bigla namang namula ang kanyang mukha kaya tinago nya ito gamit ang dalawa nyang kamay.

Hahaha, nakakatawa ang ekspresyon nya.
Akala nya siguro ay hindi ko yon naramdaman nung hinalikan nya ako.

"Excuse me, h-hindi kita ninakawan ng halik ha!" nauutal-utal nyang sabi na tila ba nagdedeny pa.

Inalis ko naman ang kanyang kamay na nakaharang sa mukha nya, kasunod non ay tiningnan ko sya na may ngiti sa aking labi.

"Kung pwede lang sanang kasuhan ka, ginawa ko na yon Airah."
wika ko rito.

"G-grabe ka naman sa kaso Gino ha! Akala mo naman ang laking kasalanan ng ginawa ko sayo!" ngusong sambit nya na ngayon ay nagmumukha syang bata dahil sa inaakto nya.

Oh diba?
Lumabas rin ang totoo na hinalikan nya nga ako.

"Malaking kasalanan naman talaga ang ginawa mo, Airah."
"Bukod kasi sa ninakawan mo na ako ng halik,--"
"--maging puso ko ay ninakaw mo pa." patuloy na saad ko.

"E-ewan ko sayo . C-orny mo." marahang tapik nya sa aking balikat.
Akma sana itong aalis sa harapan ko pero mabilis kong kinabig ang kanyang bewang.
Nang magtapat ang mukha namin ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na halikan sya.

"Hmmmm." ungol nito sa pagitan ng paghahalikan naming dalawa.

"Harassment ka!" impit na bigkas nya nang humiwalay ang labi namin sa isat-isa.

"Okay lang yan, nasarapan ka naman. Hahaha" natatawang sabi ko rito.

Bago pa man ako mapagbuhatan ng kamay ni Airah ay kumaripas na ako ng takbo papuntang banyo.
Nadaanan ko pa nga si Sarah na tila kanina pa itong nakatingin sa amin.

Natatawa tuloy ako na pumasok sa banyo.

Sarah POV:

Nakita ko mismo ng harapan kung ano ang ginawa nila Airah at Gino.

And all I can say,
Hindi sila bagay at hindi talaga sila compatible sa isat-isa.

May payakap-yakap pang nalalaman at pahalik-halik pa sa labi na akala mo ang gandang tingnan.
Like eww, nakakasuka sila.

Tsk.
Napataray na lamang ako para maibsan ng konti ang inis na nararamdaman ko sa kanilang dalawa.

"I can't imagine na level 9999 ang kalandian mo Airah." sambit ko sa kanya habang nakapamewang ako.

"Wait-- sarili mo yata ang tinutukoy mo Sarah. Kasi kung kalandian lang ang pag-uusapan, tiyak top 1 ka sa listahan." ngiting saad nya na may pang-iinsulto sa boses.

Gusto ko sanang patulan ang babaeng to pero hinayaan ko na lang sya.
Tumalikod na ako at umupo na lamang ng pade-kwatro sa sofa.

"Sige Airah, sulitin mo ang maliligayang araw na kasama mo si Gino. Dahil once na may ginawa na ako, I will sure na masasaktan ka ng husto." sambit ng aking isipan.

Sa totoo nyan, may plano ako.
May plano ako kaya gusto kong sumama sa kanila.
At sa plano kong yon, alam kong magiging matagumpay ako.

Airah POV:

Sa puntong ito ay nasa kwarto na ako para ihanda ang damit na susuotin ko papuntang bicol.

Wala akong pake kung kanina pa naghihintay si Sarah sa amin.
Manigas sya dyan!

Pantalon at black shirt lang ang napili ko.

Maya-maya ay tapos ng maligo si Gino dahil bigla itong pumasok ng kwarto habang pinupunasan nya ng tuwalya ang kanyang buhok.

"Airah, your next."
"--Maligo ka na dahil pakatapos mo ay pupunta na tayo ng bicol." wika nito sa akin.

"Oo, Eto na nga oh. Papunta na ako ng banyo." sambit ko sa kanya at bago pa man ako tuluyang makalabas ay may pinahabol akong salita sa kanya.

"Nga pala Gino, habang nasa banyo ako--"
"Wag na wag kang lalabas ng kwarto ha! Dito ka lang!"

After kong sabihin yon ay malakas kong isinara ang pinto.

Mabuti na yung sigurado noh?
Alam mo na, nandito pa naman yung ahas sa bahay namin.

He's My Boss (Book 1) CompletedWhere stories live. Discover now