Chapter 31

9.9K 248 1
                                    

Chapter 31

Airah POV:

Maaga akong nagising  dahil nga may pasok akong 7a.m ngayong araw sa aming University.

Nagluto na agad ako ng almusal at matapos non ay naligo na ako.
Kailangan ko munang umuwi don sa tinitirhan ko dati dahil nandon yung uniform ko at gamit sa paaralan.

Syempre dahil wala akong pera ay ginising ko si Jutay para humingi ng pamasahe sa kanya.

"Jutay, bilis na kasi. Kailangan ko ng pera. May pasok ako ngayon." Pangungulit ko rito habang niyuyogyog ko sya.

"Tsk. Hatid na lang kita." sambit nito sa akin at mabilis pa sa alas-dos na bumangon ito sa pagkakahiga.

Napanguso na lamang ako sa kanyang tinugon kasabay ng aking pag-iling.

"Kuripot talaga." Wala sa sariling bigkas ko.

Gaya ng sinabi ni Jutay ay sya itong naghatid sa akin. Tumungo muna kaming dalawa sa bahay ko. At hindi na ako magtataka pa sa naging reaksyon nya.

"Is this your house?" tanong nito na halos hindi makapaniwala.

"--mas malaki pa ang kusina namin sa bahay mo." patuloy na wika nya.

Potah! Talagang may pang-iinsulto pa ang sinabi nya.

"Sorry ha? Hindi. Kasi.ako.mayaman.!" mariing bigkas ko sa kanya at kinuha ko na ang aking damit.

"Dyan ka lang, wag kang papasok. Bibihis lang ako." wika kong muli.
Mabuti na lang at kahit papano ay hindi naging matigas ang ulo nya.

Nagbihis na nga ako ng pang-school uniform kasabay ng pagbitbit ko ng aking bag.

Lumabas na ako at mabilis kong iginaya palabas si Jutay.

"Tara na, malelate na ako sa klase." bigkas ko rito habang hila-hila ko ang kamay nya.

"Tsk, masyado ka namang excited. Dahil ba magkikita kayo ni Jake don?" inis na sambit nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Hmmm, parang ganon na nga." ngiting tugon ko naman.
Kaso nagulat na lang ako nang marahas nyang isanday ang aking likod sa kanyang kotse.

"Airah, bakit ka ba pumayag na magpaligaw sa kanya?" seryosong tanong nito sa akin at talagang nakipagtitigan pa sya sa mata ko.

"B-bakit hindi? M-mabait si J-jake. At wala akong nakikitang mali don, dahil single sya at single rin ako." medyo nauutal-utal ko pang sabi.

"Fuck! Wag mo syang sagutin! Or much better kung bastedin mo agad sya!" sambit nito sa akin.

Tinulak ko naman sya ng marahan at lakas-loob ko syang hinarap ng diretsahan.

"Pwede ba Jutay, wag mong pakialaman ang buhay ko! Boss lang kita at hindi mo ako pagmamay-ari! And beside, May Sarah ka na diba? Bakit di na lang sya ang tuunan mo ng pansin para sa ganon mamulat ka sa katotohanan!" pagsasabi ko sa kanya na may kataasang boses.

Medyo natulala naman sya dahil sa aking sinabi pero maya-maya ay nakabalik rin sya sa dati.

"Ano bang katotohanan ang sinasabi mo?" tanong nito sa akin.

Humakbang ako ng dalawang beses palapit sa kanya para sa ganon maging pantay na ang posisyon namin.

"Gamitin mo rin kasi ang isip at mata mo, Wag yung puro Puso." mahiwagang sabi ko na lamang sa kanya.

After I said those words ay ako na tong unang pumasok sa loob ng kanyang kotse.

Ayoko namang sabihin sa kanya na niloloko sya ni Sarah.
Gusto ko yung sya mismo ang makasaksi at makakita non, para mamulat agad sya sa
katotohanan at matigil-tigilan nya na ang kahibangan nya.

Ilang segundo ay pumasok na rin si Jutay kasabay ng pagpapaandar nya ng kanyang kotse.

Tahimik lang kaming dalawa na tinutungo ang University na papasukan ko.

Nagtagal lang ng sampung minuto bago namin narating yon, kaya hininto na ito ni Jutay.

"Anong oras ba ang uwian nyo?" tanong nito sa akin habang nasa loob pa kaming dalawa ng kotse.

"5pm, pero minsan 6pm." sagot ko sa kanya.

"Okay, 5pm ay andito na agad ako para sunduin ka. Make sure na wag ka ng gumala at sumama kay Jake. Naiintindihan mo?" muling tanong nito sa akin.

Here we comes again, basta si Jake ang topic ay naiinis na naman ako.

Pano ba naman kasi, masyado syang nagiging mahigpit sa akin na tila ba nagseselos sya sa lalaking yon.
At ang mas malala, he's acting like my boyfriend.

"Jutay , pwede ba- wag mo akong pigilan sa mga gusto ko. Hindi kita boyfriend." paglilinaw ko naman sa kanya.

Medyo umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha at sa tingin ko parang nalungkot ito.

"--Alam kong maid mo ako at boss kita, but it doesn't mean na lahat ng kilos ko ay dapat nakasalalay pa rin sayo. Masyado ka namang unfair !" Sabi kong muli rito at hindi ko na hinintay pa na magsalita sya dahil bumaba na agad ako ng kotse.

Hindi na ako humingi pa ng pera sa kanya . Bahala na, magpapalibre na lang ako sa mga Friends ko.

Feeling ko tuloy, nagsisisi akong maging Maid ni Jutay.

Don't get me wrong, ang gulo nya masyado ! Potah!

💞💞💞
Jutay POV:

Malakas kong kinalampag ang nasa unahan ng kotse.

Siguro dahil sa narealize ko yung sinabi ni Airah.

Tama sya, hindi nya ako boyfriend. Pero bakit ganito ako kung umakto?

Sobrang mali ito!
Dahil pakiramdam ko ay pinagtataksilan ko si Sarah na girlfriend ko ngayon.😪

Pero f*ck, hindi ko mapigilan ang sarili kong di magalit everytime na sumasagi sa isip ko si Jake.

Basta ang alam ko,
Ayokong mapunta ang atensyon ni Airah sa lalaking yon.
Tangina!

"Pwede ba Jutay, wag mong pakialaman ang buhay ko! Boss lang kita at hindi mo ako pagmamay-ari! And beside, May Sarah ka na diba? Bakit di na lang sya ang tuunan mo ng pansin para sa ganon mamulat ka sa katotohanan!"

"Gamitin mo rin kasi ang isip at mata mo, Wag yung puro Puso."

Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko yung sinabi kanina ni Airah sa akin dahilan para ako'y mapaisip ng husto.

Sa tingin ko ay may gustong iparating si Airah sa akin sa katagang binitawan nya.

"Ano ba kasing katotohanan ang sinasabi mo Airah?" tanong ko sa aking sarili.

Napasuntok na lamang ako sa aking upuan dahil sobra na talagang naguguluhan ang isip ko ngayon.😑

©TimojiWP

He's My Boss (Book 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon