Chapter 5 of 4:

Começar do início
                                    

 

….

 

Bakla. Asa batangas yung bruhang yon. May eklabu siyang pinuntahan.

 

Wala na ba talaga akong choice? Hay. Sobrang busy eh. Pero kelangan ko na talagang mag pagupit. Pangit na ng hair ko. Pinapangit ng blower at curlers! -.-

Alam kong nasa kwarto lang si Terrence ngayon kaya tinawagan ko landline niya. Sa pangatlong ring, sumagot siya.

“Hello?”

 

“ano. hi. Si Terrence po ba ‘to?”

 

“Speaking…”

 

Nung malaman kong siya yung kausap ko, ewan ko pero parang nag karoon ng sariling buhay yung kamay ko tapos binagsak ko nalang yung telepono. Iniisip ko palang na tatanungin ko siya kung pwede niya akong samahan sa salon, iniisip ko na agad na kahit hindi siya isang DATE, para sakin DATE padin na maituturing!

Ayoko namang mag-isip siya ng kung ano. Ayoko namang isipin niya na gusto ko siya.

Duh? You like him. Denial!!!

 

Subconcious? Can you just shut up?

Hindi ko naman kasi kelangan ng KASAMA dahil magpapagupit lang naman ako. Atsaka pwede naman akong mag tricycle nalang kasi malapit lang naman yung mall dito samin. Psh.

Nag bihis na ako agad. Simpleng damit lang. T-shirt at jeans lang tapos yung Vans na binili ng mommy (VANS! YAHOO!) tinali ko yung buhok ko para hindi mahalata na PANGIT na siya. Hayyyyyyy.

Pag-baba ko. Nakita ko si Kuya Hex na nakikipag tawanan sa isang taong hindi ko maaninag ang muka kasi natakpan nung bukas na freezer.

“OI! DI BA KAYO MARUNONG MAG TIPID NG KURYENTE?”

Lumingon sakin si Kuya Hex na natatawa padin. Tinaas niya yung baso niya na may laman na Vodka. Halata namang Vodka kasi may bukas na alak sa kitchen Island.

“Unlike Papa, I wont tolerate this madness! Kuya! 12:30 pm? Seryoso? VODKA AGAD?!” Pumunta ako sa kitchen island, kinuha yung bote tapos tinapon lahat ng laman sa sink. UGH! Bad boy din pala ‘tong si Hexilon! “Kelan ka pa naimpluwensiyahan ni Lexter Ramos ha?! Jasper Hexilon Ramos! Matalino ka nga, hindi ka naman nagiisip!”

My brother raised both of his hands in defeat. “Okay, sorry. Hindi na mauulit, Commander.” He’s damn mocking me! Ang tigas din pala ng ulo neto eh!

Lumapit ako sa Ref dahil naalala kong hindi ko pa pala nakikita yung bisita ni Kuya na nagtatago yung ulo sa freezer.

Hawak ko na yung pintuan nung freezer eh. Nung bigla namang hinawakan nung lalake yung wrist ko. That made me jolt.

Not Your Typical GirlfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora