Epilogue

7.8K 160 56
                                    

EPILOGUE

Two years later...

The day's beautiful. Maaliwalas ang panahon. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw at mahangin din. Perfect for a church wedding.

As I walk down the aisle, nakatingin ang mga tao sa akin. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang aabot ako sa ganitong sitwasyon?

Tumingin ako sa front left. Kita ko si Red. Nakatayo siya dun at nakangiting tinitignan ako. I smiled. Hanggang ngayon, gwapo pa rin siya. Mali. Gumwapo pala talaga siya after two years.

Malapit na ako sa dulo. Malapit ng maganap ang kasalang to. Di ko man pinapakita pero... kinakabahan ako.

Ng nasa dulo na kami, I turned to my right while my partner went to his side. Dumiretso ako sa place ko, next to Eri, isa rin sa mga bridesmaids.

Naglakad na sa aisle ang maid of honor, ang kapatid ng bride. Ilang sandali pa, pumasok na ang bride. Pumasok na ang pinakamagandang babae sa araw na to.

She started walking down the aisle while nagpplay ang wedding march. I tried not to cry. Pangarap kong makasal sa taong mahal ko. Pangarap kong makuha ang pwesto niya.

"Ang ganda ni Julia, noh?"

Narinig kong sabi ng isang tao sa likod ko. Syempre, maganda si Julia. Maganda ang lahi namin. Maganda... ang pinsan ko.

I blink rapidly. Wag kang iiyak. Pinsan ka lang ng bride, hindi ikaw ang nanay. Stop it. Wag kang gagawa ng eksena.

Fortunately, after repeating that mantra, nagsimula na ang pari. I catched my partner's eyes -- Lester. He's looking at me with concern. I gave him a reassuring smile.

I stared straight ahead. Memories of the past two years started flashing in my mind. I was so in love with Red that I thought everything was smooth. Pero... hindi pala.

Masaya naman kami eh. I said yes when he asked me to be his girlfriend. I was so happy that finally, kami na. Pero hindi pala pwedeng lagi tayong mabuhay sa saya.

Hindi ko alam na slowly... Red's drifting away. Hindi ko binigyan ng kahulugan yung 'busy', 'pagod' at 'next time na lang' niya. It never crossed my mind na hindi na niya ako mahal. Hanggang sa... nakipaghiwalay siya sa akin eight months ago.

And I'm here right now. Witnessing the exchange of vows made by my ex-boyfriend and my cousin.

Bitter ba ang tawag sa sarili ko? Hindi naman siguro. Nasasaktan lang talaga ako. Aside from the fact na pinsan ko yung papakasalan niya -- isang suntok sa pagmumukha ko, eight months pa lang nung nagbreak kami, magpapakasal na siya sa iba? Habang ako, hindi pa rin maka-move on. Ang unfair ng pag-ibig, diba?

Kung bibigyan nga ng pagkakataon, ayoko na sanang um-attend ng kasal nila. Hindi naman ako masokista eh. Nasaktan na nga ako nung nagbreak kami, sinaksak na nga ako nung nalaman kong pinsan ko yung bagong girlfriend niya, ngayon naman, pinapatay ko ang sarili ko dahil um-oo pa akong maging bridesmaid ni Julia.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateDär berättelser lever. Upptäck nu