Chapter 53

4.5K 116 20
                                    

I walked papunta sa kotse ko. Ang init ng sikat ng araw pero wapakels ako. Lakad lang, bahala na kung umitim ako.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"

I turned to look at Mang Beng, guard dito. "Okay lang po ako, manong," I smiled faintly.

"Ganun po ba, ma'am? Happy birthday po pala ulit. Saka salamat po sa bring home," tinaas niya yung plastic na dala niya.

Nginitian ko si manong. "Okay lang po. Salamat po sa pag greet. Sige, manong, mauna na po ako ah?"

"O sige, ingat po kayo."

"Kayo rin po," kumaway lang ako kay manong at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa totoo lang, di ako okay. And tama ang basa niyo. Today's my birthday. 22 na ako. Hay, ang tanda ko na!

Pero that's not the reason why I am not okay. Ganito kasi yan...

Nagising ako ng maaga dahil nga sa wakas, 22 na ako! Ginawa ko mga morning rituals ko, naligo and all tapos nagcheck ng emails.

Ang daming naggreet via facebook, twitter, IG, tumblr and all pero ang hindi ko inaasahan, nag-message si Katrina sa akin. I opened it and...

'Hi, Violet! Happy birthday, girl. Well, congrats. I just hope na makahanap ka na ulit ng boyfriend at ng di ka na abala sa amin ni Jarred at ng hindi na siya napipilitan na maging friendly sayo. Really, I heard nag-away kayo ni Red last last week? Geez, what did you do ba? Maybe that was the reason why he isn't around. Basta, wag ka ng um-epal ulit ah? Toodles! xx,'

At ganun lang, nainis na ako. Birthday na birthday ko tapos ganyanan?! Langya talaga. Nakuu!

So nakarecover naman din ako kahit paano. Nag greet sina Mama with matching avocado cake (mi paborito) pa. Hindi naman kami magse-celebrate ngayon dahil weekday. Sa Sunday na lang daw.

Anyway, bumalik yung happy me pagkatapos. Timing naman na may delivery mail para sa akin. Excited pa akong buksan yun kasi 'V' lang yung nakasulat sa labas. Pagkabukas ko...

'Hey, Violet. Happy birthday, ex-girlfriend ng fiancé ko. Anyway, we went to my gynaecologist kanina and ta-da! I'm 28 weeks pregnant and ta-da! We'll be having a baby girl. Nagpa-print ako ng picture niya from the ultrasound. Eto regalo ko sayo. Happy birthday ulit ah? Pag nanganak ako, punta ka ah? And well, I want you to be one of the bridesmaids in my wedding. See you soon!'

Nakakainis. Yun lang ang masasabi ko. Mga wala silang magawa sa buhay! Rawr! Tch. Alam ko naman talaga na simula ng niligawan ako ni Ash, galit na talaga yang si Joanna sa akin. Ugh! Ang b*tch niya nga sa akin noon. A sour grape! Hindi ko talaga alam kung paano naging best friend ni Ash yan! Sana di talaga matutunang mahalin ni Ash si Joanna. He deserves someone else! Aish.

So, back to present. Pumasok ako sa kotse ko at nagdrive paalis ng Serene. Nagkaroon pa nga ng maliit na celebration sa Serene eh. Kaloka lang at ang dami kong natanggap na regalo (karamihan galing pa sa mga kuya or tito ng mga estudyante ko). Ang nakakainis lang dun, nanghihingi ng date yung iba. Buset lang, diba? -____-

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now