Chapter 18

5K 124 1
                                    

Chapter 18

Nagbihis ako sa pinaka-komportableng damit ko. Capri pants, red shirt and sneakers. Inilugay ko ang buhok ko at sinuot yung glasses ko. Wag kayo. May grado to noh. Myopic ako. =_=

Sinuot ko yung Hello Kitty shoulder bag ko at bumaba na. Pumunta ako sa likod-bahay kung saan nagsasampay ng damit si Ate Lenny.

"Ate Len, magliliwaliw lang po ako saglit ah?"

"Ha? Sino kasama mo?"

"Ako lang po."

"Sige, ingat, Vee ah."

"Sige po! Bye, ate!"

Bumalik ako sa loob at kinuha ko yung susi ng kotse ko mula sa rack saka lumabas na ng bahay.

Gusto ko lang mag-unwind dahil masyado ng marami ang sakit ng ulo na nangyayari sa buhay ko. Dumagdag pa tong event ni Ericka. Kung di ko lang alam na may girlfriend yun, aakalain kong sine-set up niya ako kay Red. Naks. Feelingera lang ako.

Binuksan ko yung gate, inilabas ang kotse, pumasok para isara ang gate saka bumalik para magdrive. Hay. Dapat automatic na tong gate namin e. Nakakapagod kayang magpabalik balik.

20 minutes drive lang naman yun from house to mall. Wala pang traffic yan dahil malapit namang magtanghali. Nagpark ako sa basement parking saka umakyat para pumasok sa mall. Naglibot-libot muna ako saka pumasok sa bookstore.

As of today, isa na po akong dakilang single. Pagkahatid ko kasi kina Crim at Carly kahapon, pumasok ako sa unit ni Ash at nagkalat. :P Halos lahat ng sulok ng unit niya e may nakadikit na 'I'm breaking up with you'. Oh deba? Effort yun sa part ko noh! Nagsulat ako ng 22 copies ng 'I'm breaking up with you' sa construction papers. Mayaman kasi ako sa ganun. :P

Nung nakabili ako ng 2 libro, naglibot ako. Naghahanap ako ng maisusuot para sa fashion show ni Eri. Sa tuwing naiisip ko kung sino partner ko dun, ayoko ng pumunta. Baket kasi si Red pa sinuggest niya? Pwede namang si DJ na lang. =_=

May nahanap naman ako dun sa isang pangmayaman na store. Isa yung midnight blue chiffon tube cocktail dress. Ang tanging design lang naman dun e yung gold linings sa hem and outline sa may bust at sash below the bust. Its cute kaso kamusta naman? 17k. Maghahanap na lang ako sa ukay ukay bes!

Naglibot ulit ako at pumasok sa isang men's store. Trip ko lang pumasok dito. Nyahaha.

"Nako. Ano ba pwedeng iregalo? Wala naman akong maisip! Argh. Baket pa kasi ang yaman nun! Kainis!"

Napatingin ako dun sa babaeng nagsabi nun. Wala naman siyang kausap. Okay lang kaya siya? O.o Di ko na lang siya pinansin at naghanap ng mga polos dun.

"Excuse me, miss."

Napalingon ako. Yung babae kanina.

"Yes?" sagot ko.

"Pwede bang maistorbo ka saglit?"

"Oo naman. Bakit?" tanong ko sa kanya ng naka-kunot noo.

Bigla niyang niyugyog ang shoulders ko. Anong problema niya?! Nasiraan na ba to ng bait?!

"Malapit na birthday nung boyfriend ko and gusto ko siyang regaluhan. Ang problema, di ko alam kung ano!" bigla niyang sinabunutan ang buhok niya. Sinasapian na po siya. O.O

"Ah, miss. Okay lang yan. Inhale," nag-inhale siya, "Exhale," nag-exhale naman siya.

Nagblink siya at inayos ang hair niya.

"Sorry dun miss ah! Nadala lang ako ng emosyon ko."

"O-okay lang. Ano ba kasing problema?"

"Yun na nga. Yung boyfriend ko, malapit na ang birthday. The thing is, mayaman siya to the extent na pati ang buong mall na to pwede e niyang bilhin! Ano na lang pwede kong iregalo sa taong pwede namang bumili nun para sa sarili niya, diba?"

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon