Chapter 46

5K 93 2
                                    

"Oy, bakit ka ba kasi inis dyan?"

"Ikaw naman kasi. Sabi ko ng wag mo ng patulan e. Humihingi na nga ng tawad yung tao!" inis na kinamot ko yung ulo ko. Aish. Kainis talaga tong si Red kahit kailan!

"Sorry na nga e. Anong gusto mo? Magpaka-plastic ako sa ex mo? Yeah, right." umiling pa siya habang nagpopokus sa pagdrive.

I rolled my eyes at isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse niya. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sumasakit na ang ulo sa pakikipagtalo sa kanya. Kanina pa kasi niya pinipilit na siya talaga yung tama. Kainis. Naramdaman ko namang huminto yung sasakyan. May stoplight ba? Pagkabukas ko ng mga mata ko...

O____O

Maygolay! Asan na ang driver ko? Asan si Red?! Uwaaah. Nainis ba siya sa akin?! T___T Bumaba ako ng kotse para hanapin siya pero may humablot sa akin at piniringan ako. Huwata?!

Sinubukan kong pumiglas pero hindi ako binitawan nung humihila sa akin tapos isinakay ako sa... saan ba? Munggu, Vee! Nakapiring ka nga, diba?!

Nagpumiglas pa rin ako pero hindi pa rin ako binibitawan. Tapos may nagtanggal ng piring ko. Pagkatingin ko...

O______O

Si Ash?!!

*BOOOOG*

Aray. Aray. Aray! Ang sakeeet! Buhuhu. Napaupo tuloy ako. Hala. Panaginip lang pala. Jusmiyo. Anong klaseng panaginip yun?! Yan kasi e! Panay panunuod ng mga action movies!

Hay. Ang sakit talaga. Nabangga yung tuhod ko dun sa paa nung metal table ko. Buhu. Pero at least nagising ako.

Kinusot ko yung mata ko at napatingin sa wrist watch ko. 1.18 pm. Almost 1 hour pala akong tulog. Ang lakas kasi ng aircon dito sa classroom ko e. And yes, nasa classroom pa ako dahil chineck ko yung art na gawa ng mga students ko.

Nagstretch ako. Kailangan ko ng umalis. Baka ma-lock ako ni Mang Janitor dito e. Tatayo na dapat ako ng...

*TIK TIK TIK*

May narinig akong footsteps na papalapit sa room ko. Hala. Sino naman yan? Baka naman, magnanakaw! OMO!

Tumayo ako at nagtago sa likod ng door ng room ko. Tapos biglang...

*CREAK*

Pumasok sa room ko! Off ang lights sa room ko kaya hindi ko makita yung tao. Naka-cap kasi e. Pagkapasok niya, sinipa ko agad siya! Woooh! Pwede na ako maging action star! Nyahaha. :P

"Aray ko. Aray! Shet. Aish!"

Napatigil ako sa pagdiwang ng marinig ko ang boses nung kriminal. Binuksan ko agad ang ilaw at...

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now