Chapter 31

4.6K 106 2
                                    

Wednesday. Andito kami sa Essence ngayon, kausap si Katt, yung event organizer na kinuha nina ate. Nalimutan ko ang araw ngayon dahil kahapon lang kami nag-date ni Loki. Ang saya saya ko pa kahapon tapos ngayon... Haay.

"So, tama na ba yung sequencing?" tanong niya.

"Oo. Eto yung video na ipplay. Wag mo titignan yan ah? Pinaghirapan ko yan," inabot ko yung usb at disc kung saan ko inilagay yung presentation ko. Back up lang yung disc para kung magkaaberya man, merong back up.

"Wow. Ikaw na talaga, Io! Anyway, yun lang naman ang idi-discuss natin dahil napag-usapan na yung iba. Hay, excited na ako for Saturday. Ang ganda siguro ni Maggy that day," she said dreamingly.

"As if naman ikaw ikakasal."

"At least may boyfriend si Katt. :P E yung iba dyan?"

Binigyan ko ng masamang tingin si Ales. Bitter na nga ako, asarin pa ako e.

"Yun na ba yun, Katt? Ayos na tayo sa prep?" pang-iiba niya ng usapan. Natakot ata sa tingin ko. Yan kasi. :P

"Yes. O sige, yung catering crew mo ha, Io. Kinausap ko na rin yung staff ng hotel, kontakin mo na lang."

"Sure," malumanay kong sagot. Isinandal ko yung ulo ko sa glass window.

"Sige na, mauuna na ako uh? May ibang meeting pa ko."

"Bye, Katt!" sabay naming sabi ni Ales.

Tumayo na si Katt at papalakad na sana paalis ng mapahinto siya.

"By the way, Io... Happy anniversary!" bumeso siya sa akin at kay Ales at patakbong lumabas ng Essence.

Napukpok ko ang ulo ko sa mesa habang tawa ng tawa si Ales. Kenes naman oh, tawanan pa talaga ako.

"Ree, tama na nga yan," inangat niya ang ulo ko tapos ngumiti siya. Isang pang-asar na ngiti.

"Dahil alam kong mahalaga ang June 15, 2016 sayo, ako bahala sa Essence ngayon. Bibigyan kita ng pagkakataong magcelebrate ngayon. Punta ka na kung saan mo gusto, samahan ka pa naming magcelebrate e. :D"

Binatukan ko nga. Kainis. Gusto ko ng maiyak. Binubully nila ako. Uwaaah, mommy! T^T

Nung nakita niyang namumuo na yung luha sa mata ko, tumawa naman siya. Minsan, ang gandang itapon si Ales sa Jupiter tapos ingudngod ang face sa sun. =_=

Pinahid ko yung gilid ng mata ko para di tumulo yung luha tapos pinulot ko na yung bag ko. Hinampas ko yun sa kanya at naglakad ako papunta sa office ko. Inilock ko yun.

Tinapon ko yung bag ko sa mesa. Umupo ako sa couch at niyakap yung throw pillow ko. Tapos umiyak na ako. T^T

Naiinis talaga ako. May period kasi ako ngayon tapos inaasar pa nila ako. Napaka-emotional ko pa naman kapag time of the month ko.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora