Chapter 50

4.3K 101 6
                                    

Saturday.

Dahil walang pasok ngayon at maaliwalas na ang panahon, nagdecide akong umalis ng bahay. Pag magsstay ako, mas tataas ang posibilidad na kulitin ako ng mga kaibigan ko. Kay Ate Mags palang kagabi eh naiinis na ako, paano na lang pag-pito na, diba?

Alas otso na. Nagpaalam ako kay Mama na aalis ng bahay. Naka usual get-up lang ako. Shirt-jeans-sneakers-cap. Phone at pera lang ang dala ko.

Lumabas ako ng bahay at nagtrike palabas ng street namin. Pagkalabas ng street, nag-taxi na lang ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta, kung saan ko matipuhan, dun na lang.

"Diretso lang manong."

Nagdrive naman si manong diretso papuntang town. Nakatingin lang ako sa labas nun. Huminto kami sa stoplight.

Napatingin naman ako dun sa kanang kalsada. Naalala ko tong daan na to ah.

"Manong, kumanan ka po."

Kumanan naman si manong nun. Tapos binigay ko yung direksyon sa kanya. Pagkarating dun, nagbayad ako at bumaba na ng taxi.

Inaayos ko yung sumbrero ko at napatingin sa lugar. Napangiti ako. May mga iilang kabataan dito. Siguro nagppractice din sila gaya nung ginagawa namin nung high school.

Naglakad lang ako dun sa gilid. Nagdiretso ako papuntang Butterfly Garden. Pinapasok naman ako nung guard. Ang ganda dito. Nakaka-relax dahil tahimik tapos para kang isang enkantada dahil napapalibutan ng mga iba't ibang klase ng paru-paro.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad kaya napunta ako dun sa Flower Garden. Marami-raming mga tao dito. Puro nga lang mga magboyfriend-girlfriend pero di ako bitter. Ang daming nakapalibot na bulaklak dito at wala kang makikitang patay na dahon o ano dahil inaalagaan talaga to ng maayos ng hardinero.

Ibinaba ko yung sumbrero ko at nagpatuloy sa paglalakad. Masarap yung simoy ng hangin tapos hindi rin naman masyadong mainit. Ang ganda ng panahon. Parang kahapon lang nung umulan ng malakas tapos ngayon...

Kakalakad ko, napunta ako sa field. Ang lawak sa lugar na to. May mga puno sa kada gilid at pathway kung saan pwedeng mag bike or magjogging or roller skates. May mga benches din kung saan ka pwedeng magpahinga.

Umupo ako sa may damuhan na malapit sa puno. Sumandal ako sa trunk ng puno. Malayo-layo yung pwesto ko dun sa mga grupo ng mga pamilyang nagpi-picnic at dun sa mga soccer players na naglalaro sa gitna ng field.

Tinanggal ko yung sumbrero ko. Inayos ko ang buhok ko dahil nilipad ng hangin. Tinanggal ko rin yung eyeglasses ko para kusutin ang mata ko tapos binalik ko rin agad.

Peace of mind, salamat at nakamit din kita. Nakatuon lang ang atensyon ko sa mga naglalaro sa field. Buti na lang at walang istorbo sa akin ngayon.

Napatingin ako sa relo ko. 10.15 na. Isang oras na pala akong andito. Mamaya na lang ako aalis. Mga 11.00 siguro.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now