Chapter 48

4K 97 9
                                    

Tinungga ko yung huling laman ng can ng beer ko. Ilang lata na ba naubos ko? Isa... dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito... walo. Walong lata na. Pero masyado na ata akong sanay uminom. Hindi pa rin ako tinatamaan hanggang ngayon.

Pumatak nanaman ang mga luha ko. Bakit kasi ganyan? Hindi ko na ba deserve ang magkaroon ng 'happy ever after' na yan? Hindi na ba talaga ako makakaranas na magkaroon ng masayang buhay pag-ibig?

Ang sakit naman kasi. Yun nga lang makita siyang may kahalikang iba masakit na, ano na lang yung malaman mo pang nakabuntis siya? Nakakainis pa dun eh alam na ng buong pamilya niya. Kung di ko pa malalaman, ako pa ang magiging kabit e ako naman ang tunay na girlfriend. Ako pa ang lalabas na malandi. Ako pa ang lalabas na mang-aagaw. Ako pa ang lalabas na masama.

Bwisit. Yan lang ang paulit-ulit na nasasabi ko kanina pa. Bwisit, bwisit, bwisit. Nakakainis. Nakakagalit. Nakakaiyak.

*bzzt bzzt*

Kinuha ko yung phone ko at tinap ang screen.

Gene: Vista at 6 pm. Garden. Pnta k lang bespren ah?

Pagkabasa ko nung text ni Gene, binuhay ko yung makina ng kotse at nagmadali akong nagdrive papunta dun sa venue na tinext niya. Di ko na to kaya. Kelangan ko ng mga taong mapagsasabihan. Tiyak namang maiintindihan ako nina Danna e.

Magccross na dapat ako sa intersection ng may nakita akong pamilyar na tao na nakatayo sa labas ng BDO. Nakayuko siya na parang may hinihintay. Curiosity, I decided to check kung sino ang taong yun. Pinark ko sa tabi ang kotse saka lumabas ng sasakyan. Naglakad ako papunta sa taong yun at nakita ko si... Xander.

"Xan?"

Lumingon siya at tinanguan ako. Bakit parang inaasahan niya ata talaga akong makita rito?

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"Wala lang. Tambay," umayos siya ng tayo tapos bumuntong hininga.

"Tambay sa labas ng BDO?"

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti. "Inayos lang yung bank account ko. Aalis na kasi ako bukas."

"Aalis? Saan ka naman pupunta?"

"Japan. Nagresign na ako sa Views last month at tinanggap yung job offer ng isang kumpanya dun. Ingat ka dito ah? Maraming masamang loob. Pero mababawasan na kasi aalis na ako," ngumiti lang siya nun at sumandal dun sa kotse na nasa likuran niya. Parang hindi ito yung Alexander Smitt na nakilala ko two years ago.

Ngumiti na lang ako. Wala naman akong maisip na sabihin kaya tahimik lang ako dun habang pinagmamasdan yung mga sasakyan sa highway. Ganun din naman siya. Tahimik lang kaming nakatingin sa daan dun pero hindi naman awkward. Parang nagka-peace of mind naman ako.

“You know what, Violet, I’m lucky that I got the chance to know you more,” Xander stated. Agad ko naman siyang tinignan at tinaasan ng kilay. I’m not sure kung saan ang hantong ng pag-uusap na to so I decided not to say a thing. He looked at me sideways, “I was your first kiss, right?”

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now