Chapter 10

5.6K 124 4
                                    

"Okay! Pack up now, guys!" sigaw ng director.

Naglakad siya papunta sa direction namin, "Thank you, Violet, Sef. Ayos naman yung mga shots na nakuha namin. We'll call you guys for the final output."

"Okay, thank you rin po."

We smiled at him tapos naglakad na siya pabalik sa team niya. Hay. Naglakad ako papunta sa kotse ko at kinuha mula sa backseat yung food bag ko. Kumuha ako ng dalawang bottle ng fit n' right at naglakad pabalik sa lugar namin kanina.

"Oh," inabot ko yung isang bottle sa partner ko. Si Josef. Isang tunay na high fashion model. Di gaya ko, tunay na model talaga yan at galing sa isang modelling agency. Sikat siya at nagmmodel din for F&H. Sosyal! :D

"Lamats. Di ka pa ba aalis?" sabi niya.

"Pinapalayas mo na ko? Wahaha. De joke lang. Pagod pa ko! Baka mamaya ma-aksidente pa ko dahil sa pagod."

Tumango naman siya. Tahimik lang to e. Nakakadagdag nga yun sa appeal niya. Nagmumukha siyang cool. Ako naman e FC lang kaya nakikipag-usap sa kanya. Muahaha. 'D

"Sef! Violet!"

Napatingin kami sa tumawag samin at nakita lang namin si Kuya Photographer na kinuhanan kami. Wala na akong energy kaya pinabayaan ko na lang. As long as maganda ako dun, ayos lang. Wahahaha.

Umupo ako sa damuhan at minasahe ang aking calves. Natapos ko na yung photoshoot ko for Views mag at eto naman e shoot para sa isang ad. Part to ng contract, commitments ko sa mga mga ine-endorse ko. Naks.

Pinulot ko yung phone ko at tinignan yung oras. 10.17 am. 4 hours kaming nagshoot! 6 am pa lang umalis na ko ng bahay para di ma-late. Kelangan kasi ng effect ng sunrise para sa ad na to e. Weird nga kasi June naman to irrelease. Diba tag-ulan mga ganung panahon? =__=

Binuksan ko yung cap ng fit n' right ko at ininom yun. Umupo naman sa tabi ko si Sef.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo. Lumingon siya sakin.

"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.

"Alam mo, ang tahimik mo," sagot ko sabay inom ulet. Nakakahiya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. >///<

"Hindi naman. Nahihiya lang ako sayo kaya ganun."

Nabulunan ako dahil sa sinabi niya tapos namula.

"Joke ba yun? Ako kaya ang sabit dito. Ikaw pa tong tunay na high fashion model tapos sakin ka pa nahihiya? Ako ang dapat mahiya sayo noh."

Ngumiti siya. Ngumiti siya! Ehmergehd. Ang gwapooo niya!

"You're Views People's Choice Awardee. Maraming tao na nagbabasa ng Views ang gustong gusto ka. Sa mga naririnig ko sa ibang mga models, directors, photogs, you're bubbly and full of life. Maganda ang background mo sa modelling mo. At ako naman, maraming scandals and rumors na yung kaakibat."

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now