Chapter 35

4.4K 123 4
                                    

Sunday. Kakagaling lang namin ng church. Hay, kahapon natapos na yung recording. Masaya naman kasi kahit tapos na ang pagrecord, friends pa rin kami ng banda. Sabi pa nga nila, kakanta daw sila sa Essence pag may time sila! Emm so excited!

"Vee, ano pang hinihintay mo dyan? Eto oh! Ayusin mo!"

"Psh. Utosero ka talaga ever, Ales! Buti at nakakatagal si Emily sayo."

"Gwapo kasi ako. :P"

"Sige lang, mangarap ka. Di kita pipigilan," binato ko yung throw pillow sa kanya.

*DING DONG*

"Ako na! Nakakahiya kasi sa inyong dalawa e!" sabi ni Purple.

Andito kami sa bagong bahay nina ate. Nakabili na kasi sila ng bahay bago pa man sila ikakasal. Yun nga lang, kahapon lang dumating yung furnitures kaya kami ang nautusang mag-ayos dito dahil nasa honeymoon pa sila. =___=

"Hi, guys!"

Napatingin kami sa nagsalita. Gravy. Si Red nanaman. Humingi siguro ng help kay Red sina ate. Kenes, wala na ba silang ibang kilala? Bakit si Red lagi? Nakakahiya naman din kasi kay Red. Di naman siya ka-'pamilya' e andito siya.

"Oh, food. Break muna kayo. Baka nagutom kayo kakabangayan dyan e," sulpot ni Emi galing kusina. Napahinto pa nga siya nung nakita si Red e. Nagwapuhan ata. :P

"Waha, Kuya Vince! Nagwapuhan si Ate Emi kay Kuya Red! Wala ka! Asan ang kagwapuhan mo? Wahaha," pang-aasar ni Purple.

"Tsk tsk. Ano nga ulit sabi mo kanina, Ales?" nilagay ko pa yung kamay ko sa may tenga ko. Tapos naghigh five kami ni Purple. :P

"Sabi ko ang panget mo, Violet Ree Arcillas. Uy, bro. Pasok ka."

"Red, si Emily pala, ang magandang gerpren ng panget na si Vincent Alessandro Wee. Emily, si Jarred Nikolo Candry, anak ng may ari ng Views," pakilala ko.

"Kelangan pa talagang isali yun? o.O" -Red

"Syemps! Para magstand out noh!" sagot ko sabay kuha ng sandwich at kinain yun. Gutom na ako e.

"Oh! Ikaw yung ex ni Violet, diba? Naku, hi! Di kasi kita kilala at di rin ako naka-attend ng wedding!"

Lenye. Kelangan ba talagang sabihin yung ex part? =,=

"Hi. Nice to meet you," tapos ngumiti siya.

"Oy, Ales! Yung pagkakalagay ng vase, ayusin mo!" puna ko. Di talaga to marunong mag-ayos.

"Oo na! Grabe to. Kung makautos ka naman."

"Designer e."

"The Signer? Wahaha. Ayusin ang pagpronounce!"

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now