Chapter 37

3.8K 104 5
                                    

"Yes, sir?" sabi ko. Iniangat ko ang ulo ko....

at nabitawan ko ang ballpoint pen ko. I froze.

"Hi, babe. Miss me?"

Ash.

Ilang minuto akong di nakapagsalita. I open and close my eyes kasi baka joke lang to. Baka nagha-hallucinate lang ako.

“Too speechless, eh?”

"A-anong? B-bakit? G-ginagawa mo...?"

Hindi na ako maka-construct ng buong sentence.

Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin pero masyado siyang malakas.

"Bitiwan mo nga ako. Ano bang ginagawa mo rito? I already broke up with you."

"Halika."

"Ano ba! Bakit ako sasama sayo ha?"

Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Pareho nung nasa panaginip ko. Biglang tumibok ng malakas yung puso ko. Kinakabahan ako.

"Violet, ayos ka lang? Anong nangyayari?"

Napatingin kami ni Ash sa nagsalita. Si Ed pala.

"Wag kang makialam, bro."

"Boss ko yang hinahawakan mo. Parang ayaw naman yatang sumama sayo. Bitawan mo na lang, pre."

"Tch. Girlfriend ko to. Wala kang pakialam sa mga ginagawa namin. Tara na."

Magsasalita pa sana ako pero diniinan niya yung pagkakahawak niya sa akin. I flinched.

"Sabi ko, tara na."

Pinulot ko agad yung bag ko bago pa man niya ako mahila ng lubos.

Nakalabas kami ng Essence at hinila niya ako papunta sa parking lot.

"Sakay."

"Ano ba, Ash. Ano bang kailangan mo? Pwede ba tigilan mo na ako!"

Hindi niya ako pinansin. Binuksan niya yung passenger's door at tinulak ako papasok. Muntik na akong sumubsob sa headboard. I glared at him pero parang balewala lang sa kanya. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko at isinara ng malakas ang pinto. Umikot siya at sumakay na rin saka pinaharurot yung kotse.

"Saan ba tayo pupunta?! Ash, ano ba kasing kailangan mo?!"

"Tumahimik ka, pwede ba! Ibabangga ko to!"

"Ash, hindi ako nakikipag..."

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now