Chapter 22

5.1K 110 0
                                    

"Some people are worth melting for."

"You are worth melting for."

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang tinitignan ako.

"Weh? Olaf is that you?" I asked smilingly.

Nanunuod kami ng rerun ng Frozen sa HBO ngayon habang kumakain ng pizza.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya tapos inilagay niya yung kamay niya sa bewang ko.

"Sorry sa nireact ko kanina. Takot lang ako na mawala ka e."

"Its okay. Naintindihan naman kita e."

"Alam ko namang mahal mo ako eh. Tsaka..."

Di niya pinagpatuloy yung sinasabi niya kaya napalingon ako sa kanya. And I regret doing it.

"Hindi mo naman ako lolokohin, diba?" he smirked and add, "Kung hindi ako umalis noon, ako sana yung first boyfriend mo."

Tinitigan niya ako ng diretso sa mata. Isang matalim na tingin. Kapareho niya yung mga mata ng wolf sa mga movies na napapanuod ko. At dahil sa tingin na yun, bigla akong kinabahan.

"Babe, answer me. You will never dare to cheat on me, right?"

Napadilat at napabangon ako. Syett. Bangungot yun. Ang lakas ng tibok ng puso ko tapos pinagpapawisan pa ako. Fudge.

Napatingin ako sa bedside table ko at ang una kong nakita ay ang graduation photo na yun.

Ako at si Ash na nakayakap sa isa't isa. Kinuha ko ito.

"Patay ka na ba at bigla-bigla kang dumadalaw sa panaginip ko? At sa lahat pa ng pwede mong gawin sa panaginip ko, yun pang ikakatakot ko."

Inilagay ko ulit yung frame sa mesa pero nakabaligtad na. Napahilamos naman ako sa mukha ko gamit ang mga kamay ko. Shet talaga. Halo-halo ang nararamdaman ko. Sobrang natatakot pa rin ako, kinakabahan... at nagi-guilty.

Napatingin ako sa digital alarm clock ko. 2:15 am. Jusko. Kainis ka, Ash. Sana mga 4 am na ka na dumalaw. Ang aga pa e!

Tumayo ako at nagpunta sa banyo. Pinuno ko ng cold water yung tub at binabad ang sarili ko dun kahit na may damit pa ako. Ginulo ko ang buhok ko. Geez. Bakit nga ba ako nagi-guilty?

***

Nakaupo lang ako dito sa stool. Sarado pa ang Essence dahil maaga pa naman. Kanina pa ako nandito mga 5.30 pero hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako. *sigh*

*PLONK BOOGSH CLINK*

Napatingin ako dun sa parang maingay. Malay ko ba kung may magnanakaw na biglang pumasok noh! At least ready ako.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon