Chapter 25

5.2K 122 5
                                    

Minsan, kahit mahal mo yung tao, di laging tama na ipakita mo yung totoong nararamdaman mo. Minsan, mas nakakabuti kung itago mo yung tunay mong damdamin.

Nalilito pa rin naman ako sa nararamdaman ko. Sabi ko nga sa previous chapters, mahal ko si Ash at the same time, mahal ko rin si Red. *sigh*

Pero gaya nga ng sinabi ni Ed, iba ang 'love' sa 'in love'. At kahit naiinis at nagagalit ako kay Ash dahil sa panloloko niya, nagi-guilty parin ako sa mga nararamdaman ko ngayon.

"Ang lalim ng iniisip. Buti di ka nalulunod, sister!"

Napatingala ako. Si Joey pala. Siya yung may-ari ng dress shop kung saan pinagawa yung gowns para sa kasal ni Ate Maggy.

"Tinitignan ko kaya tong mag noh. Kala mo naman."

"Yun na nga. Tinitignan at hindi binabasa. Sino ba yang iniisip mo?" lumapit siya sa akin at bumulong, "Si poging ex ba?"

Tinignan ko siya ng masama. May pagnanasa pa ata kay Red.

Hay. Andito nga naman si Red. Ewan ko ba dito kina ate at baket sinama pa yan! Nahihirapan na ako iwasan yan eh!

"Kalokohan. Asan na ba yung dress ko? Ittry ko na dali!"

"Ay! Taralets!"

Hinila niya ako papunta sa changing room. Sosyal talaga kami dahil siya mismo nag-aassist samin. Iba na talaga pag tight kayo. :D

Ibinigay niya yung gown na susuotin ko. Sinuot ko yun and yehey, nagkasya!

Tumingin ako sa full-length mirror. Fitting yung upper part neto at tube silk. Since Magenta naman ang pangalan ng ate ko, magenta rin ang color ng gowns. Medyo pa-balloon yung skirt and two inches above the knee. Yung tanging design lang naman dito e yung beads and sequins na naka-X sa may bodice tapos plain lang yung skirt.

Inayos ko yung buhok ko. Ay ang ganda ko dito sa gown! Nyahaha.

"Oy, sister, may plano ka pa bang lumabas dyan?"

Binuksan ko yung pinto at lumabas.

"Ay sosyal! Model na model ang dating! Pwede mo ng gamitin yan sa shooting!"

"Ka-echosan mo. Bagay ba sakin, mare? May mahahakot kaya akong mga lalake sa kasal ni ate? :D"

"Ay, teh. Di pa nga kasal e may nahakot ka na! Teka," naglakad siya papalayo sakin at may hinablot na certain lalaki na nagttry ng tux dun.

Pagkatingin ko...

O_O

=__=

"Tabi kayo," pinagtabi nga kaming dalawa, "Ay! Bagay na bagay!" sabay palakpak niya at kuha ng pic. Wow lang e noh?

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now