Chapter 32

5.4K 112 4
                                    

Friday na ngayon. Papunta na ako sa hotel room ni Ate Maggy. Pagod na talaga ako kasi ang dami niyang pinapagawa sa akin! Rawr!

*POM POM POM*

Pumasok ako sa loob ng room niya at andun siya, nakaupo at nanunuod ng kung anong koreanovela.

"Oy! Bakit mo naman pinapanuod yang mga ganyan? Gusto mo bang pumanget ka bukas sa mismong araw ng kasal mo?" sabi ko sabay lapag nung pizza sa mesa. E kasi yung ate kong lokaret, umiiyak. Nanunuod ng Endless Love! Jusko naman. Grade school pa lang ata ako ng pinalabas yan eh!

"E wala lang. Trip ko lang. Buksan mo na yang pizza tapos pakuha nung coke sa fridge. Labyu, Vee!"

"Ate, kapag ang gown mo e di magkasya sayo bukas, bahala ka."

"OA neto. Gutom lang talaga ako. Dito ka ba matutulog?"

"Yezz. Pagod na akong maglakad papunta sa totoong room ko," naupo ako sa tabi niya. Sumasakit mga kalamnan ko.

"Bakit parang pagod na pagod ka?"

"Ay, nagtanong ka pa? Hindi mo lang naman kasi ako pinahirapan na kausapin yung florist, tignan kung naayos na yung mga kakailangin for the reception, kausapin yung mga guests, mga kung sino-sinong tao, tapos palakarin mo lang naman mula dito sa Merriment papuntang Greenwich!"

"Sorry naman. Sabi kasi ni Mama, pag may kailangan ako, ikaw daw pakiusapan ko noh."

"Sinagad mo rin! Inabuso mo ang kabaitan ko. Aynako. Ewan ko nga sayo," tumayo ako at naglakad papunta sa kama niya. Nahiga ako at waaaah... gusto ko ng matulog.

Inayos ko yung pillow at nahiga na. Papuntang dreamland na ako ng...

"VEEEE!"

Napadilat ako. Nawala bigla ang antok ko.

"Bakit?"

"May kumakatok! Pabukas, please."

Tumayo ako sabay kamot sa ulo ko. Nasa bathroom kasi si ate. Najejebs siguro. Wahaha. Yan kasi, lakas kumain. Pasintabi sa mga kumakain dyan. :P

Naglakad ako papunta sa pinto. Sino naman kaya to? Gabi na. Istorbo. =___=

Pagkabukas ko... anong ginagawa ng mga to dito?

"Haloo!"

Tapos pumasok silang dalawa. Kamusta naman diba?

"Baket kayo andito? Disturbing the peace!"

"Disturbing the peace daw! Ano ka? Peace mo? And haler, bridesmaids kaming dalawa!"

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now