Chapter 27

5K 108 1
                                    

Chapter 27

Lumabas ako sa kotse ko at napatingala. Ang ganda ng panahon. Hindi masyadong mainit at malakas ang simoy ng hangin. Parang ang sarap mag sun bathing. What if wag na lang akong pumasok ngayon at magpa-tan na lang ako dito sa labas? :P

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Gustuhin ko mang magsun bathing ngayon, wala akong dalang bikinis and sunblock at baka maka-attract ako ng atensyon at mabansagang may tililing.

Pumasok ako sa Essence. Alas 2 pasado palang kaya medyo marami-rami pa ang tao. Naglakad ako papunta sa bar. Andun kasi si Ed at nagpupunas ng wine bottle.

"Pakwan, wag masyadong magconcentrate sa pagpunas ng bottle. Masyado mong kinakarir ah," sabi ko sa kanya habang umuupo sa stool. Hindi man lang ako pinansin.

"Oy, pakwan."

"Oh?" sagot niya habang binabalik yung bottle ng Grenache sa cellar.

"Bakit ang sunget mo? Uuuy!"

"Bakit ang kulet mo? Ano ba kelangan mo? Busy ako."

"Psh," humalumbaba ako at tumingin sa paligid to make sure walang makakarinig sa akin. "Nga pala, may sasabihin ako."

"Ano?" hindi man lang niya ako tinignan at kumuha ng bottle ng Madeira.

"Nakita ko si Kath." pagkasabi ko nun, napatigil siya at tinignan ako.

"Tapos?"

"She's... she's engaged--"

"I know."

Magsasalita pa sana ako pero nagregister sa utak ko yung sinabi niya.

"Alam mo? Alam mo tapos di mo sinabi sa akin?!"

Ibinalik niya yung bottle sa cellar and leaned dun sa counter. Akala ko kung anong gagawin sa akin eh, pinitik ba naman ang noo ko?!

"Kahapon ko lang nalaman. At nasaan ka ba kahapon? Diba nagpaka-kartero ka?"

"Kahit na! Sana tinawagan o text mo ako! Nagmukha tuloy akong tanga kanina!"

"Sorry, nalimutan ko," bumalik na siya ulit dun sa ginagawa niya. Kahit di niya sabihin, obvious naman na malungkot siya sa nangyari. "Anong sinabi mo nung nagkita kayo?"

"Wala."

"Wala?" ulit niya dun sa sinabi ko.

"Wala. Nagulantang ang buong pagkatao ko pagkarealize kong yung Kath na hinahanap naten eh fiancée ng kaibigan ko. Buti na lang nga at na-rescue ako ni Pula kanina kundi napagkamalan na akong tumakas ng mental," sabi ko ng nakasimangot.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now