Chapter 3

7K 140 17
                                    

Chapter 3

Hmm. Ano kayang susuotin ko?

Tinignan ko yung mga damit na nakahilata sa kama. A black dress, mint green sundress at isang lavender cocktail dress.

Aish bahala na nga. Kinuha ko yung isang amaranth long-sleeved blouse at pink skirt na nasa closet ko at isinuot ito. Kinuha ko yung ankle-strapped purple suede shoes ko at isinuot din ito. Nag-apply ng light make up at sinuot ko yung accesories ko. Yan, mukha na akong yayamanin! Wahaha. :P

Inilugay ko na lang yung buhok kong mahaba-haba na rin. Kelangan ko na atang magpaputol ulet. Magpakalbo na lang kaya ako? Ay ewan.

Kinuha ko yung satchel ko at lumabas ng kwarto saka bumaba na.

"Saan ka pupunta?" bungad ni Mama sakin.

"Views po. May appointment ako for interview para sa June."

"Yun lang?"

Napatigil ako sa pagkuha ng susi ng kotse ko sa rack. At tinignan si Mama. Nawalan na rin siya ng tiwala sa akin. I deserve it, maybe.

"Yun lang. Don't worry, Ma. Wala naman yung taong ayaw niyo sa bansa ngayon."

"Anong oras balik mo?"

"It depends. Sige, Ma. Alis na ako."

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa garahe.

"Vee.."

Napalingon ako. Si Mama pala.

"Yes?"

"Ingat."

I smiled. Ngayon ko na lang narinig ulit ang salitang yan mula sa kanya.

Pumasok na ako sa kotse at nagdrive na.

***

"Good morning, ma'am."

"Good morning."

Pumasok ako sa loob ng Views. Megash. Apter 865794 seconds, nakapunta ulet ako rito.

Pagbukas ng automatic doors, unang nakita ko yung mukha ni Venisse. Ang ganda niya pa rin. I mean, mas gumanda siya ngayon. Mas mukha siyang inspired. Europe's top 5 model of the year ka ba naman tignan lang natin kung di ka maging inspired.

Lumingon ako at ay! Nakadikit na sa wall ang pagmumukha ko! Wahaha. Model na model talaga ang pose tapos may nakalagay pang 'People's Choice' sa baba. Ayeeh. Kinilig ako. :P

Nakaka-GV ang nakita ko kaya nakangiti akong dumiretso sa front desk.

"Lara, good morning. Andyan na ba si Miss Ramirez?"

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now