Chapter 51

4.4K 101 20
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos ng 'pagpapatawad day'at maayos naman kaming lahat.

Si Ash eh sinusubukan pa rin akong tawagan. Hatid-sundo na nga ako ni Mama sa Serene eh para di ako makausap ni Ash. Grabe lang. Para lang akong grade schooler e noh? Pero sige, gustong magpaka-‘mother’ ni mother kaya suportahan na lang. :P

Napatingin ako sa calendar ko. August 10 na pala ngayon. Hay. Ilang araw ko na ring di nakikita si Red. Simula nung Friday, di ko na siya nakita o nakausap. Hindi rin naman nag-open ang barkada. Feeling ko naman alam nila yung nangyari. Ayoko ring magtanong dahil ayokong malaman pero curious ako. Timang lang.

Sa totoo lang, may part sa akin na nagsisisi sa mga sinabi ko sa kanya pero mas matindi yung part na nagsasabing tama lang yung ginawa ko. Masama ba ang ginawa ko? Pinoprotektahan ko lang naman ang sarili ko eh. Sobra-sobra na akong nasaktan. Yes, maybe may kasalanan din ako dahil pinangunahan ko si Red at di ko pinakinggan yung side niya. Pero all this time, bakit di siya nag-explain? Bakit di niya klinaro lahat?

Pero mas okay na ako sa ganito. Oo. Masaya na ako... Siguro...

"Ree, kumain ka na."

Napatingin ako kay Ales. Nag-usap na kami simula nung Monday. Wala naman siyang sinalaysay na sermon. Nag-offer lang ng crying shoulder at mas naging OA lang naman siya.

"Busog pa ako," sagot ko at humalumbaba ako dun sa table.

"8 ang pasok mo sa Serene, 12 andito ka na at alas 2 na pero di ka pa kumakain. Asan na ang matakaw na Violet Ree na kaibigan ko? Saan mo siya tinago?" umupo siya sa chair na kaharap ko.

Tinignan ko muna siya at nagtanong, "Ales, masama ba ako?"

Nanlaki ang mga mata niya at napaatras pa siya.

"Nilalagnat ka ba?" inilagay niya yung kanang kamay niya sa noo ko. Tinanggal ko naman yun.

"Aish. Seryoso ako eh!"

"Di nga? Bakit kasi nagtatanong ng ganyan? Ilang araw lang akong nawala, sinapian ka na?"

Pigilan niyo ko. Masasapak ko tong lalaking to!

"Isa pa, Ales! Sabing seryoso ako eh!"

"Oo na. Sige na. Seryoso ka na. Bakit mo naman natanong?"

I shrugged. "Dahil sa mga nangyari. Siguro kaya naging ganito ang kalabasan ng lahat dahil masama ako."

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Hindi naman porke't hindi maganda ang kinalabasan ng relasyon niyo ng ex mo eh masama ka na. Baka paraan lang yun ng tadhana na ilayo ka sa taong di karapat dapat sayo."

"Tapos, kailangan bang ganun ang way para ipa-realize sa akin yun?"

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ