Chapter 29

4.8K 105 5
                                    

Chapter 29

Ilang araw na rin ang nakalipas. Friday na ngayon. Natapos ko na yung shoot para sa Bellarina last Wed kaya medyo konti na lang yung mga works na gagawin ko.

"Thank you sa time, Miss Violet."

Ngumiti lang ako at tinanguan yung crew. May munchkin pa kasi ako sa bibig. Nakakahiya naman kung tumalsik sa kanya, diba? Imagine niyo lang. Disgusting. XD

Pagkatapos kong nguyain at lunukin ang munchkin sa bibig ko, ininom ko yung tubig ko at tinignan yung director namin.

"Mr. D, mauuna na po ako ah? Meron pa po kasi akong recording."

Mula sa mga nagpapack up na crew, binalingan ako ni Mr. D.

"Oh. Oh sige, salamat, ah. Hanggang next week ulit."

Nginitian ko si Mr. D at pinulot yung bag ko. Tinignan ko yung buong crew.

"Bye po! Salamat sa oras!" kumaway-kaway pa ako.

"Bye, Miss Violet!"

Ngumiti ako at lumabas ng studio. Tinignan ko yung relo ko. 8.15 am. 45 minutes to drive.

Sumakay ako sa elevator pababa sa basement parking.

Yun palang kanina, isa nanamang work na parte ng contract. Guest VJ ako para sa isang music show sa isang network. Two weeks akong guest VJ dun. Masaya sana kaso, 6.30 ang call time, 7.00 rehearsals, tapos 7.30 magstart ang show dahil live ito. Nakaka-eyebags! @_@

Pagdating sa basement parking, pumunta agad ako sa slot ko at pumasok sa kotse ko, saka nag drive papuntang JFK building. Ngayon kasi magsisimula yung recordings ng Aubretia kung saan kasali ako. Makikita ko nanaman ang mga gwapong mukha nila.

Pagkadating dun, nagpark ako at pumasok sa building at pumasok sa elevator at pinindot yung 4. Sabi ni Belle, 0412 ang studio. Pagdating sa 4th floor, hinanap ko agad yung room. Late na ako sa call time.

*POM POM POM*

Bumukas ang pinto at ang gwapong mukha ni Mon ang bumungad sa akin.

"Oh. Hi, Violet. Pasok ka," mas binuksan niya yung pinto kaya pumasok ako.

Lahat sila andito na. Kahiya. Mukhang ako lang yung late.

"Belle, sorry late ah," lumapit ako kay Belle at nakipagbeso sa kanya.

"Okay lang. Call time pa lang naman, eh." sagot ni Belle.

"Tsaka base sa schedule mo, may taping ka pa kanina, diba?" -Jake

Tinignan ko siya at nginitian, "Yep. Pero nakaka-eyebags yun."

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now