Chapter 43

4.3K 92 4
                                    

Nakatingin ako sa aking repleksyon. Naka white stipped tank ako sa loob tapos long sleeves blue blouse na itinaas ko hanggang elbow at jean shorts ako with matching indigo platform shoes. Gamit ko yung glasses ko tapos nakatali ang hair ko.

Inayos ko yung bangs ko at pinulot ang sling bag ko. Ayan. Maayos na to para hindi ako mapahiya sa date ko.

Bumaba ako at nagpunta sa dining hall kung asan ang mga tao. Kumakain sila ng strawberries. Buu. Sana magtira sila at ng makakain din ako mamaya.

"Ma, alis na po ako," nagtuloy ako sa fridge para kumuha ng coke.

"Saan ka naman pupunta?"

Tinungga ko yung laman ng coke at tinapon sa basurahan yung can. Tumingin ako kina Mama.

"May date ako."

"Aba, kanino ka makikipagdate?" echos ni Kuya Indi.

"Ash."

Hinintay ko ang reaksyon nila. Nakaganito sila o --> O____O

"Bakit ka makikipagkita dun? Akala ko ba wala na kayo? Violet! Magpapauto ka nanaman ba?!"

Waaah. My ears! Buhuhu. Napaismid na lang ako. Grabe talaga sila kay Ash.

"Ma, lalabas lang kami, okay? Pwidi be kehet once leng, weg mag-uber riact dyen?"

"Ano? Hindi ko na-gets? o.O"

"Sabi ko, ang ganda ko. :P"

"Veee, matuto kang mabuhay sa totoong buhay, wag sa panaginip lang," tinapik-tapik pa ako ni Kuya Indi sa balikat. Wala man lang support saken! >.< Maganda naman ako ah! Ang kokontra, jinjitera! XD

"Nga pala, asan si Purple? o.O" milagro atang di ko siya nakikita dito. E kapag strawberries, PG yun e.

"Umalis kanina pa. May immeet daw."

Tumango-tango ako. Aba talaga. Baka mamaya nagddate na yun.

"Sige na, Ma, Ate Len, Kuya Indi. I'm going down under."

"Ingat!"

Nakangiti akong lumabas ng kusina palabas ng bahay. Buti na lang di na ako nakatanggap ng sermon kanina at naintindihan na nila ako.

Sumakay ako sa kotse ko at saka pinaandar ito. Nagdrive ako palabas ng street namin papunta sa mall.

Tama ang pagkakabasa niyo kanina. Si Ash nga ka-date ko. Niyaya niya ako nung Monday. Nung nag-usap kami. Pumayag ako dahil... miss ko na rin siya. :(

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now