Chapter 30

5.1K 110 1
                                    

Chapter 30

Good morning Luzon, good morning Visayas and good morning Mindanao! Today is a happy day! :D

Tumingin ako sa full-length mirror ko. Naka-high waist pink cotton skirt ako. Sa ibaba neto, naka-black tights ako. Sa taas naman, naka-navy blue tank top ako at naka-pink long-sleeved cardigan. Ang ganda ko lang talagang tignan! XD

Sinuot ko yung pink ballerinas ko tapos tinali ko yung buhok ko into a bun. Apply ng kaunting make up, kuha ng shades ko at sinuot ito. Ay! Me likes! Mukha akong artista. Nyahahaha.

Pinulot ko yung sling bag ko at bumaba. Pumunta ako sa living room kung nasaan si Mama.

"Saan ka pupunta?" tanong niya pagkababa nung telephone.

"Oow.. May date akeww," sabi ko habang pinupulot yung susi ko sa rack.

"Date? Hindi mo man lang ako tutulungan? Minsan ka na lang nga free, di ka pa magsstay dito. Sa Saturday na ang kasal. Marami pa tayong aasekasuhin."

Napatigil ako at tumingin kay Mama. One week akong bakante at ngayon ay Tuesday. Araw ng date ko kay Loki.

"Ma, ngayon lang nga ako magpapahinga. Ako na nga nag-asekaso sa catering para sa reception ng kasal, mga flowers, nagdeliver ng invitations, nag-ask kay Eri para magdesign nung mga gowns, gumawa ng reservation, kumausap sa pari and all. Ano pang gusto niyong gawin ko, Ma? Ayusin ang church? Okay, bukas na bukas ako na ang gag-- Ahw!" hinimas ko yung parteng kinurot ni Mama. Ansaket pa naman niyang kumurot. T-T

"Kulang na lang sabihin mong wala akong ginawa ah!"

I gasped. "Ma! Hindi ko po sinasadyang patamaan kayo!"

Natawa ako sa reaksyon ni Mama. Masyado kasi yang sensitib. Sign of aging. Nyahahaha.

"Sige, Ma. Babush na at importante tong date ko."

Lalabas na sana ako ng living room pero napahinto rin.

"Vee.."

"Hmm?" nilingon ko si Mama with matching ngiti.

"Anong oras balik mo? Pupunta si Red dito."

Pagkasabi niya nun, nawala yung ngiti ko. "Ano naman pong gagawin niya rito?"

"I asked him help."

"Oh. Ma, baka naman nakakaistorbo na kayo kay Red."

"Hindi noh. Sabi niya ayos lang daw. Buti pa siya may oras sa kasal ng ate mo."

Hindi ko na lang pinansin si Mama at naglakad na paalis ng bahay. Bakit ba naman kasi masyadong mahal ng mga taong to si Red?

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now