Chapter 1

12.5K 206 8
                                    

Chapter 1

 

Nakatayo ako sa gitna ng park. Sa likod ko, may naririnig akong agos ng tubig. Tinignan ko ang paligid ko. Teka nga, nasaan na ba yung mga kasama ko? Sabi niya hintayin ko raw siya. Kanina pa ako nandito pero ni anino ng kasama ko, wala. Lagot talaga yang Alessandro na yan! Aba’y mahal ang oras ko noh!

Napabalikwas ako nung may biglang nagtap ng shoulder ko. I sighed. Tama ba na namang gulatin ako?!

I turned. “Ano ka ba! Kanina pa ako nan--”

Napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko ang nagpat ng shoulder ko. I gape at him in astonishment. Hindi ito si Ales kundi si...

*BOOG*

 

*No I'm never gonna leave you darling

No I'm never gonna go regardless

Everything inside of me is living in your heartbeat

Even when all the lights are fading

Even them if your hope was shaking

I'm here holding on*

Aray ko. Hinimas-himas ko yung noo ko. Naalimpungatan naman ako sa tunog ng cell phone ko. Kainis talaga, istorbo sa tulog! May pinpanaginipan na yun ako, kaso ayun, nalimutan ko. Tsk. Sayang yun noh, baka lotto winning numbers pa yun. :P

Kinapa ko ang phone ko sa bedside table ko. Asan na ba yun? Kapa here, kapa there. Ayun. I tapped the answer button sa screen.

"Hmm?"

"VEEEEEEE!"

Napadilat tuloy ako. Inilayo ko ang phone ko at tinignan ang caller i.d.

Ericka.

Haay.

"Yep? Istorbo ka sa tulog," I yawned.

"Sorry but I really need your help! Punta ka dito sa Veracity!"

"Eri, hindi ako bingi kaya wag kang sumigaw. Baket naman ako pupunta dyan?"

"Impromptu shoot! I need a make-up artist slash hair stylist. Pleeaaase?"

"Huh? Pagod ako. Wala kang patawad. Kakauwi ko lang galing Cebu kahapon. Jet lag," I yawned.

"Sige na, please? The shoot will start at 10 am. Pretty please?!"

I sighed at napatingin sa digi clock ko, 9.00 am.

"Grabe ka! 1 oras lang ang ibibigay mo saken?"

"Basta, ha? Punta ka! Muwah. Bye!"

*toot toot*

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now