Chapter 5

6.7K 133 4
                                    

Alas 9 na at nasa bahay lang ako. Ako at si Ate Lyn lang andito. Nag-shopping kasi yung nanay at kapatid ko.

Tinignan ko si SnowPee na natutulog sa may carpet, katabi ng step-daughter niya. Nanay na po siya mga kaibigan. Nanay ng aso kong si Peachy, isang Pomeranian. Regalo sa akin ni Ales at Emily nung birthday ko last last year. Ang sosyal noh? Pero buti na lang at nagkasundo sila ni SnowPee. Ang cute pa naman nilang dalawang tignan, para silang totoong magnanay.

Napahiga ako dito sa couch. Oh May, baket ang tagal mong matapos? Sana July na ng makapagturo na ako. Mamaya pa kong 2 pm pupunta sa Essence. Haay. Boring!

 

*No I'm never gonna leave you darling

No I'm never go regardless--*

 

Calling...

 

Ate Maggy

"Hello?"

"Vee, may meeting ako ngayon."

"Oh? Tapos, Ate Mags? Anong gagawin ko kung may meeting ka?"

"Magmi-meet kami dapat pati nung event organizer, e kaso na-stuck up ako dito sa meeting. Nasa field si Mics e. Kayo na lang muna ni Vince ang magmeet dun ah?"

"Oh, sige. Anong oras ba at saan?"

"11 am. Sa Essence na yung meeting place ng makalibre naman ako ng pagkain. :P"

"Anong libre ka dyan? Babayaran mo ko noh at ang catering team ko."

"Don't worry, babayaran kita pag ikakasal ka na. Muahaha. Alabyu, Vee. Toodles!"

*toot toot*

Napatingin ako sa phone ko. Ano ba yan? Lagi na lang akong binababaan ng mga tao.

Umakyat ako at naligo na. Ayokong ma-late noh.

***

Pinark ko yung kotse ko at naglakad papuntang entrance ng Essence.

"Good morning, Ma'am Violet."

Nginitian ko rin si Mang Waldo, guard namin.

"Good morning din po."

Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Asan na yun? Ayun pala, nakaupo malapit sa may glass window si Ales na may binabasang magazine... teka, Candy Mag ba yun? Kelan pa to natutong magbasa ng mga ganung magazine?

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya.

"Kanina ka pa?" tanong ko. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.

"What?" sabi ko sabay upo sa harap niya.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now