Chapter 45

4.7K 85 5
                                    

Kakatapos ko lang magbihis. Nag-shirt and pants lang ako at ballerinas. Nauubusan na ako ng damit ah!

Bumaba ako at pumasok sa living room. Kumpleto ang mga tao ngayon minus Ate Mags since may asawa na siya.

Pagpasok ko, tumingin naman ang mga tao sa akin. Baket naman?

"Kasama mo si Katrina sa ad? Sosyal ka na ate!"

Kunot noo na napatingin ako sa tv at tada! Ad namin ni Katrina yung nasa commercial break. Yung phone na ine-endorse namin.

"Ah... Ngayon palang pala yan nilabas? Sweet."

"Makakatanggap ka ng ganyang phone, diba? Bagong model yan ng Samsung! Pwede akin na lang, ate? Pleaaase?!"

"Ambiness! Akin yun. Baka pagalitan ako ni bossing e," umupo ako sa tabi ni Daddy.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama.

"Magkikita kami nina Sharm at Mimi. Kuya, pengeng nachos!"

"Ayoko nga."

"Buuhu. Daddy, si kuya oh!"

"Roi, magbigay ka na. Namamayat na nga tong kapatid mo e."

Nakasimangot na inabot ni Kuya Indigo ang bowl sa akin. Muahaha. Takot kay Daddy. :P

*bzzt bzzt*

I tapped the screen of my phone para ma-open yung message.

Mimi: going gateway nako. No car. Free ride later, kay? :)

Haaay. Nginuya ko na yung nachos na nasa bibig ko.

"Mauuna na po akho. Fapuntah na daw shila," nilunok ko yun at tinignan ang mukha ng mga tao.

"Vee, etiquette."

"Sorry, mameh. Sige po, mauuna na ako!" tumayo na ako at pinulot yung bag ko.

"Vee, uminom ka muna ng tubig dun."

"Ay, baka maihi ako later."

"May rest room naman sa Gateway. Engot -_-" sabi ni Kuya Indi.

"Daddy, engot daw ako oh!"

"Aba't!" tumayo si kuya at hahabulin dapat ako pero nakalabas na ako agad ng bahay. Nyahaha.

"Behlat, kuya! Woohoo! Vee- 15 points, Indi- 15 points! Tie na tayo!" sigaw ko mula sa garahe.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now