Chapter 16

4.9K 137 5
                                    

Chapter 16

 dedicated sa kanya dahil mahal na mahal ko si Senri Sinclaire at ang buong Sinclaire Academy cast! More power sayo. :) *kaway kaway*

''

"Thank you, hija ah? Malaking help to sakin."

"Naku, okay lang po. Pwede ko po bang isama sa work?"

"Ayos lang. Sige, hija. Thank you talaga. I have to go. May meeting pa ko e," tumayo si tita at pinulot yung bag niya.

"Kids, behave kayo ah? Wag pasakitin ang ulo ni teacher. Aalis na si gran. Bye," hinalikan ni tita yung pisngi nina Scarlet at Crimson tapos umalis na.

Dinala ko sina Carly at Crim sa parking lot. Humingi kasi ng favor si Tita Angeli kung pwede ko ba raw bantayan yung dalawa. Syempre, pumayag ako.

"Mommy, where po tayo mag-go ngayon?" tanong ni Crim.

"Sa isang company. Tara na?"

Tumango sila kaya pinapasok ko na sa backseat at kinabitan ng seatbelt. Nung okay na sila, pumasok ako sa driver's side at nagdrive na.

***

Pinark ko yung kotse ko sa parking lot at lumabas ng kotse. Inalalayan ko yung dalawa at hand in hand na pumasok sa Views.

"Mommy, is that you?" tanong ni Carly sabay point dun sa poster ko.

"Ah, yup. That's me."

"Why po nasa poster kayo? Do you own this building?"

"No. I just work here. Let's go?" I smiled.

Pumasok kami sa elevator. Napatingin pa nga yung ibang tao kina Scarlet at Crimson e.

"Ma'am, ang cute naman ng mga batang yan. Pamangkin niyo po?"

"Hindi. Students ko pero ako muna mag-aalaga ngayon."

"Hello, kids. What's your name?"

"Scarlet."

"Crimson."

Napatingin yung iba sakin.

"Naku, ma'am. Pareho pa po kayong color ang pangalan," sabi nung isang lalaking employee.

Natawa ako, "Kaya nga 'mommy' tawag sakin e. Kasi parehas daw kaming color ang name."

"Baka nga kung magkaanak kayo, ganito ka cute!"

Echusera ka teh! Pero sige, maniniwala na lang ako. :P

*PING*

Lumabas na kaming tatlo papunta sa office ni Eri. Pinapunta niya ako dito dahil may ibibigay daw siya. Ano naman kaya yun?

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now