Chapter 39

1.6K 42 1
                                    

I'm sorry sa mga mali. Wala nang edit-edit kasi eh.. diretso post! haha!

Chapter 39

---

"Good Morning, Ash!" Bati sa akin ni Cath ng madatnan ko sila sa classroom ng class s ng pumasok ako isang araw.

Nginitian ko lang sila. Wala naman kasing maganda sa umaga, eh. Hindi pa rin gumagaling ang sugat ko sa braso pero hindi na sya gaanong masakit. Ewan ko lang kung sinabi ni Troy ang nangyari kina Cath.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang prof namin. Napatingin naman ako sa bakanteng upuan ni Ethan. Wala pa rin siya. ilang araw na rin syang hindi pumapasok. Bakante rin ang upuan ni Irish.

Gusto ko sanang magtanong kina Blake kung nasaan sya pero ayoko, natatakot akong masaktan sa maaring isagot nila.

Ilang araw pa ang lumipas pero wala pa ring Ethan akong nakikita.

Pinuntahan ko na sina Troy sa bahay nila dito sa wilson's. Hindi ko na kasi matiis na hindi magtanong.

Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta dito.

Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Bryan ng pinto.

"A-Ahm.. M-May itatanong lang sana ako.." sabi ko ng makaupo ako sa sofa. Napatigil naman si Blake at Bryan sa paglalaro nila ng xbox at napatingin sila sa akin pati na rin sina Troy at Cath.

"A-Ano 'yon, A-Ash?" Tanong ni Blake. Alam kong alam nila kung ano ang itatanong ko.

"Papasok pa ba sina Ethan? Nasaan sila? Kailan sila babalik?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

Nagtinginan lang sila sa isa't-isa na tila hindi alam kung anong isasagot sa akin.

Pinipigilan kong 'wag tumulo ang luha ko ngayon. Ayokong makita nila kung gaano ako kamiserable ngayon.

Si Troy na ang sumagot.

"Ash, nagbakasyon lang sila somewhere. Hindi ko lang alam kung kailan ang balik nila."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil alam kong babalik sya o malulungkot dahil alam kong magkasama sila ni Irish kung nasaan man sila ngayon.

"Gan'on ba? Uhmm.. May pagkain ba kayo dito?" Tumayo na ako at kunwari'y pumunta sa may kitchen para maghanap ng pagkain.

Pasimple kong pinunasan ang luha ko na hindi ko na napigilan.

Ng makarating ako sa may sink may humila sa akin at naramdaman ko na lang ang init ng katawan nya dahil sa pagyakap sa akin.

Pinigilan ko ang paghikbi ko habang yakap ako ni Troy pero hindi ko talaga magawa dahil sa sobrang sakit.

"Tahan na, Ash.. Kung kaya ko lang pasayahin ka, pangitiin ka, gagawin ko talaga. Pero hindi ako, eh. Hindi ako 'yung kailangan at hindi ako ang dapat gumawa n'on. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay ang pagaanin ang bigat na nararamdaman mo ngayon kahit papaano."

Lalo lang akong napahikbi sa sinabi ni Troy.

Ng mag-gabi na, sumama kami ni Cath sa kanila sa Bar na pagmamay-ari raw ni Bryan. Wala namang pasok bukas kaya okay lang.

Sinundo ako ni Troy sa bahay at sabay na kaming pumunta ng bar.

Malakas na tugtog ang sumalubong sa amin pagkapasok ng Bar. Its not my first time na makapunta sa ganitong lugar. Hindi naman ako ganoon kainosente.

Inakbayan ako ni Troy ng maglakad na kami sa loob ng bar. He's really a gentleman. Nagiwas naman ng tingin ang mga lalaking nakatitig sa akin kanina.

AshleyWhere stories live. Discover now