Chapter 34

1.7K 43 9
                                    

Chapter 34

---

Nakabalik kami ng mga 7 pm at sa may beach na namin sila naabutan dahil bumalik pa kami ni Ethan sa hotel para magpalit ng damit.

Bonfire. Cool.

“Hey! Ang tagal nyo? Nagstart na oh..” Sabi ni Bryan ng makalapit kami sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Cath na nakapagitna kina Blake at Troy.

“Tss. Pake ko?” Sagot naman ni Ethan. Umupo naman siya sa pagitan namin ni Troy kaya silang dalawa ang magkatabi ngayon.

“San kayo naggaling Ashley?” Bulong sa akin ni Cath.

“Wag ka ngang chismosa..” Inirapan nya lang ako. Siguradong kukulitin ako nyan.

“Ehem-ehem. Okay Class S, before tayo magstart..” Sabi ni Mrs. Fuentes na nasa tabi ng apoy. Tss. Ang taba nya pa naman.. baka..

“Akala ko bang nagstart na, Cath?”

“Hindi pa, Ash. 'Wag kang maniwala dito kay Bryan. Wala pa si Ethan kaya 'di pwedeng magstart yan.” Si Blake ang sumagot.

Ethan.. Ethan.. Paimportante talaga!

“..may ipapakilala muna ako. Well, 'dun sa mga hindi nakakakilala sa kanya. Pero I think most of you guys, know HER.” Mrs. Fuentes Continued. “Nagtransfer sya sa school yesterday and she belongs to Class S kaya sabi ko ay pwede syang humabol dito sa Fairytale, and she said yes. So here she is.. Ms. Ferrer, come here..”

Lumapit naman ang isang babaeng maputi, matangkad ng kaunti sa akin, maganda ang katawan, mahaba ang buhok na may kulot sa baba. In short, maganda.

“Shit.” Sabay na mura ni Blake at ni Bryan.

“Oh my..” Si Cath..

“It can't be..” Sabi naman ni Troy.

Hinihintay ko naman na magsalita rin si Ethan pero walang lumabas sa bibig nya. Nakatingin lang sya sa babaeng nasa gitna ngayon at todo kung makangiti.

“Please introduce yourself Ms. Ferrer.”

“Thank you ma'am..” Sabi nya at medyo yumuko pa. Ang ganda din ng boses nya. “I'm Irish Monica Ferrer. Buti nakahabol ako. Its nice to see you again guys!” Tapos ay nakita kong pinasadahan nya ng tingin ang knights pagkasabi nya.

Tiningnan ko naman itong mga katabi ko. Shocked? Anong problema ng mga 'to?

Nagkwentuhan lang ang buong Class S sa bonfire. Payabangan. Kesyo nakarating na ng ganyan, nakabili ng ganito. Tss. May mga tumugtog din ng gitara at kumanta.

“Cr lang ako.”

Hindi ko pa sya natitingnan ay tumayo na agad sya. Anong problema ni Ethan? Something's wrong, I know. Ang tahimik kasi nila including Cath.

Pabalik na kami sa hotel ng makabalik si Ethan.

“Sa kabilang resort ka ba nag-cr?” Sarcastic na tanong ko.

“I don't feel that bonfire.”

“Tss. Sana dun ka sa apoy para feel mo.”

Hindi sya sumagot. Wala rin syang pinakitang emosyon. Hindi ko alam kung galit or nainis sya sa sinabi ko.

“Hindi mo ba ako ihahatid sa kwarto ko?” Tanong ko ulit.

“I can't. I'm tired.”

“Okay. Kay Troy na lang..”

“Okay.” Tapos ay tumalikod na sya.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Si Ethan ba talaga 'yon? Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad palayo.

AshleyWhere stories live. Discover now