Chapter 24
_______
Nang matapos ang practice nila ay nagpaalam ako kay Cath na pupunta muna ako sa faculty at kakausapin muna ang mga prof namin dahil sa pag-absent ko ng one week. Pero hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay may nagsalita na mula sa court..
“..and where do you think you're going?” Bakit ba hindi pa sila pumasok sa locker room?! Dapat pala hinintay ko muna silang pumasok.
“Uhm, pupunta lang ako ng faculty para kausapin yung mga prof tungkol sa mga namiss kong lesson.”
“Nandoon ba ako para pumunta ka d'on?” Tinaasan nya pa ako ng kilay. Walangya talaga 'tong lalaking 'to!
Since alam na ng buong school na kasali na sa Basketball Team ang Knights ay marami na ang nanonood sa practice nila. Halos BABAE! At ang sama na ng tingin nila sa akin ngayon!
“Aba! Kung dalawa yung katawan mo, edi siguro nand'on ka nga!” Pamimilosopo ko sa kanya.
Nakita kong napangiti at napapailing na lang sina Troy sa likod nya dahil sa sagot ko. Tiningnan naman ako ni Ethan ng masama. Uh-oh.
“Joke lang. Eto naman.. Pupunta lang ako saglit d'on para--”
“No. Hintayin mo ko dito. Magsha-shower lang ako.”
“Saglit lang naman--”
“I said NO. Wag kang aalis d'yan. O gusto mong isama pa kita sa shower room para makasiguro ako?”
Hindi na ako kumibo. Sa tono ng bwisit na 'yon malamang tototohanin nya talaga yung banta nya. Tumalikod na rin naman na sya ng maupo ulit ako.
Sinamahan nya nga ako sa faculty room. Nauna ng umuwi sina Troy. Ewan ko talaga kung anong trip ng lalaking 'to eh! Binigyan lang ako ng mga Projects and Research ng mga prof na kailangan kong ipasa pambawi ng grades.
6pm na, kaya medyo madilim na ng makalabas kami.
“..at san ka na naman pupunta?” Lumiko kasi ako sa opposite side kung saan yung parking lot.
“Uuwi? Dito kasi yung daan palabas?”
“Alam mo bang ikaw lang yung nakikipag-usap sa akin ng ganyan?” Lumapit pa sya sa akin. Napapaatras ako sa bawat hakbang nya palapit sa akin. Hanggang sa matalisod ako at napasandal sa isang puno. “..but.. I like it. Weird, right? Really weird.” at ngumisi pa sya.
Napapalunok na lang ako. Oh gosh!! 1 inch! Packing tape! Sinong pang makakagalaw sa ganoong distansya na hindi kayo nagkakahalikan?!
Nakatitig lang ako sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Oh, God! Kaya ko pa lang makipagtitigan ng ganito katagal sa kanya. Sige lang Ethan! Magtitigan tayo!
BINABASA MO ANG
Ashley
ActionA girl trying to hide herself from the mysery that she gets herself into. Trying to fit in a world where she knows she could ruin any moment. This is a story of a Gang Leader.