*Chapter 2

2.7K 73 0
                                    

Cath

Nagpasya akong pumunta kina Ashley para yayain siya na magmall.

I am Ashley's Self proclaimed best friend. Oo, self-proclaimed. Ashley is not vocal. Masyado siyang tahimik at kadalasan ay laging asar sa mundo.

Nagkakilala kami last year nung nag-transfer sya sa school. Naging seatmates kami noon kaya nagclick kami agad. Well, not really. Actually, mahirap siyang pakisamahan talaga.

Walang gustong lumapit sa kanya non. Hindi naman sya nerd, ang ganda kaya nya.

Maaarte lang talaga ang mga classmates namin at hindi ganun kafriendly..

Isang buwan pa bago magpasukan.

Kakauwi lang namin galing sa France ng family ko. At dahil alam kong walang kaibigan talaga si Ashley ay malamang buong bakasyon ay nandito to sa bahay nila.

Pagka hinto ng kotse sa tapat ng bahay nila Ash ay bumaba na ako bitbit ang mga regalo ko at kumatok sa gate. Agad namang binuksan ni Nay Linda, nanay ni Ashley.

"Hello po Nay Linda! Mano po!" Inabot ko ang kamay niya na pinunas muna niya sa damit bago ipinahawak sa akin.

"Oh, iha. Nadalaw ka? Halika, at pumasok ka muna."

Pagkapasok ko sa loob ay umupo agad ako sa may sofa nila. Feel at home lang, ano?

"Nay, heto po pala yung pasalubong ko para sa inyo." At inabot ko kay Nay Linda yung isang paper bag na dala ko. Bag yung laman nun. Magugustuhan nya naman yun for sure.

"Naku, nagabala ka pa.. Salamat iha ah."

"Okay lang po nay, maganda po yan promise!" Tinaas ko pa yung kanang kamay ko. "Si Ashley po?"

"Ay, Iha, napaaga ka. Nandoon pa sya sa kwarto nya at natutulog."

"Ganun po ba? Pwede bang gisingin ko na po sya?"

"Osige, iha.. Pero, kilala mo naman si Ashley di ba?"

I know thats a warning.

"Sige po.. Akyat na po ako."

Pagkadating ko sa tapat ng kwarto ni Ashley ay nag-sign of the cross muna ako. Sana gumising naman sya ng mahinahon.

Ashley

Nananaginip pa ako ng kung anong masasarap na pagkain ng maalimpungatan ako sa katok na nanggagaling sa pinto.

"Ashley.."

Nakasimangot ako ng magising. Hindi ako agad dumilat at ibinaon ang mukha ko sa unan.

"Ashley.." Hindi pa rin ako bumangon.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ko at ang marahang hakbang palapit sa akin.

"Ash, bangon na. Mall tayo, hm?" Bahaya niya rin ako niyugyog.

Marahas kong inalis ang inang nakatakip sa mukha ko at matalim siyang tiningnan.

Bakit ba umuwi na tong isang to?!

"Cath, Ano bang problema mo? Kitang natutulog yung tao!" Tinalikuran ko siya. Pero inabot ko ang isang unana sa kanya. "O! Matulog ka pa, baka pagod ka sa byahe." Sabi ko at pilit na tinutuloy ang tulog.

"Kahapon pa kami nakauwi. Nakatulog na ako."

Ako naman ay kakatulog lang, kaya pwede bang patulugin mo muna ako?!

"Tumayo ka na. Alis tayo." Humahawak pa din siya sa akin.

Padabog akong umupo sa kama.

"Pwede ba Cath? Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga pa kaya.."

AshleyWhere stories live. Discover now