*Chapter 6

2K 51 1
                                    

Ashley

Paglabas ko ng classroom naglakad-lakad lang ako.

Hindi alam kung saan ako pupunta.

Dun na lang ako sa may lilim ng puno pumunta.

Huminga ako ng malalim. Kapagod maglakad. Lalo na pag di mo alam pupuntahan mo..

Magpapahinga muna ako at makikinig na lang ako ng music..

Inilabas ko ang cellphone ko pati ang earphones.

Kumakanta-kanta pa ako habang nakapikit at feel na feel na kinakanta hanggang sa may maramdaman akong tao malapit sa akin kaya napatigil ako at napadilat.

"So, may concert palang nagaganap?" Sabi ng isang walang hiyang lalaking istorbo!

Ethan

Paglabas ko ng classroom kanina dahil wala naman akong gagawin ay didiretso na sana ako sa tambayan namin ng Knights..

eh kaso..

May narinig akong medyo malakas na boses na kumakanta.

Kaya nacurious ako at hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses..

Nagulat pa ako ng makita kung kanino nanggagaling yung boses.

Dahan-dahan akong lumapit.

Natawa ako ng makita ko siya nakapikit pa at nakakunot ang noo.

Pinagmasdan ko sya habang kumakanta.

B-bakit ang ganda nya sa ganitong distansya?

Ipinilig ko ang ulo. Hell, no! What the heck was I thinking?!

Gumawa ako ng ingay ng tuluyan akong makalapit.

"So, may concert palang nagaganap?" Yumuko pa ako para makita niya.

Gulat na gulat siya pagdilat nya ng makita nya ako. Kumurap-kurap siya habang nanlalaki ang mga mata.

Ashley

Habang gulat pa rin yung mukha ko, sya naman tuwang-tuwa! Sapakin ko kaya 'to?

Wag na, sayang mukha.

Tumayo na ako. Baliw 'to. Ang lapit nya kaya!

"Ano bang ginagawa mo dito ha? Tipaklong na naka polo shirt?!"

Tumayo na din sya.

"Wait. What did you just call me? Ako? Tipaklong? Hoy, babaeng amazona, na pinagkaitan ng height, Bulag ka ba ha?! Ang gwapo ko namang tipaklong."

"Hah! Gwapo? Sige nga, Define gwapo?"

"Why do i have to define it? Eh heto na nga sa harapan mo yung best example eh.."

"Whoah. Ang kapal mo pala?" Nagtaas ako ng dalawang kamay bilang pagsuko.

"Mali. Ang gwapo ko." Confident na confident pa siya.

"Bahala ka nga dyan.. Lokohan na'to." Tinalikuran ko na siya

Bigla akong mapasigaw dahil bago pa kasi ako makahakbang palayo hinila na ako ng walanghiyang lalaking 'to.

Naestatwa ako pagharap ko sa kanya.

Paano ba naman, ang lapit-lapit ng mukha nya! Kapag gumalaw ako mahahalikan ko na sya.

"A-Ano b-bang gi-ginagawa mo. Hah?! Bi-bitawan mo nga ako!"

Inilagay nya pa yung dalawang kamay nya malapit sa ulo ko kaya parang nakakulong ako sa mga braso nya. Hindi pala 'parang' talagang nakakulong nga ako. At kung may makakakitang iba sa amin sa ganitong posisyon ay aakalain na naghahalikan kami.

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon