Chapter 32

1.8K 51 1
                                    

Chapter 32

---

“Ang aga pa Nay!”

“Naku, bata ka! Anong maaga?! Nakapamalengke na 'ko't lahat, hindi ka pa rin bumabangon?! Akala ko bang may pupuntahan kayo ngayon?”

“Oo nga, pero maaga pa talaga nay..”

“Sige. Paghintayin mo ng matagal 'yong sundo mo d'yan sa sala!”

Napabalikwas naman ako ng bangon.

“Ano po 'yun, nay?”

“Hinihintay ka ni Ethan sa baba. At kanina pa nariyan sa labas ng bahay 'yan. Buti at dumating ako at napapasok ko. Hala! Sige at maligo ka na! Ipaghahanda ko muna kayo ng almusal.”

Kumaripas ako ng takbo papuntang banyo. Sampung minuto lang ata ang nakunsumo kong oras at nakapag-ready na ako. Mabuti pala at inayos ko na 'yung mga dadalhin kong gamit kagabi!

Alas-quatro pa lang ng madaling araw. Sabado ngayon, at ngayong araw din ang pagpunta namin ng Fairytale. Does it really exist?! Weird.

Pagpunta ko ng sala nakita ko agad ang isang lalaking nakaupo sa may sofa namin. Ayos ah! Parang kanya lang 'yong bahay!

Lumingon sya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

“Problema mo?”

“We're late.” Uh-oh. Pero hindi ako magpapasorry! Tandaan: 1.) Hindi lahat ng tao hinihingan ng sorry. May iba kasi na sa ngiti pa lang napapatawad ka na! Haha. Try natin.

Ngumiti ako sa kanya ng pagkaganda-ganda!

“Stop that! Ang pangit mo pala kapag madaling araw.” Tapos binalik nya ulit ang tingin sa cellphone nya.

May mga tao din na hindi ka dapat nagsosorry kasi hindi lang talaga dapat!

Binato ko nga ng hawak kong jacket! Ang kapal ng mukha! Porke gwapo sya sa suot nyang jacket at white na tshirt sa loob, gaganituhin nya ako?! Hoy! Ilegal 'yang pagiging ganyan kagwapo! Ipahuli kita, eh!

Dinampot nya naman ang hinagis kong jacket at hinagis ulit pabalik sa akin.

“Wear that. Malamig sa daan! Convertible 'yong dinala kong kotse at for sure hindi na natin maabutan 'yong bus kaya 'yon na ang sasakyan natin hanggang resort.”

“Bakit, nasa kotse na ba tayo?!”

“Isuot mo na lang kasi sabi!”

“Ashley! Kumain muna kayo rito, bago kayo umalis!” Sigaw ni Nay Linda galing kusina.

“Buti pa 'yong nanay mo mabait. I'm pretty sure hindi ka sa kanya nagmana.” Dumiretso na sya ng kusina! Bahay mo? Bahay mo?

I'm also sure na 'don ka sa tatay mo nagmana! Bwiset!

Kumain muna kami mi Ethan bago umalis.

“Mauna na po kami.” Paalam ni Ethan kay nay Linda.

“Ingat kayo!”

Pagdating namin sa sasakyan nyang sumisigaw ng karangyaan, na Chevrolet Corvette, pinagbuksan niya ako ng pinto. Dapat lang. Dahil hindi ako sasakay ng hindi nya ako pinagbubuksan ng pinto. Tatawagan ko na lang si Troy.

Speaking of Troy, laging siya 'yong ginagamit ko para makuha or mapagawa ko kay Ethan 'yong mga gusto kong gawin nya. For example, nung isang araw. Gusto kong pumunta ng mall, eh hindi pwede si Cath dahil kasama nya na si Blake, kaya naisipan kong si Ethan na lang.

Ethan, samahan mo naman ako sa mall, oh?” Sabi ko sa kanya nung tinawagan ko sya sa phone.

I'm busy. I can't, and I don't want to.”

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon