Chapter 38

1.6K 46 6
                                    

Hindi ko pa din 'to nababasa ulit, so bare with my wrongs. Tama ba? umeeffort sa english. Haha! Edit ko na lang, pag nabasa ko..

SMILE! before you read.. Salungat sa nangyayari sa story muntanga lang. Lols.

Chapter 38

---

Ashley

Nagising ako dahil sa malakas na vibrate ng cellphone ko. Bakit ko ba kasi naisipang kanta ang gawing text/message tone ko?!

+6583******

Singapore 'to ah?

Binuksan ko ang message..

+6583******

Fix yourself. Go to the hospital. -A

Napairap na lang ako. Of course, alam niya. Nila. Anong ginagawa nya sa Singapore?!

Naligo at nagbihis na ako. Naramdaman ko ulit ang sakit ng braso ko. Shit! Dumudugo na naman sya.

Paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Nay Linda sa may sala.

“Punta akong ospital nay. Pagamot ko lang 'to.” Tinaas ko ng kaunti ang braso ko.

“Naku, bata ka talaga! Sasama ako!” Galit sya, pero nagaalala yan kaya hindi nya pa ako kinukutusan ngayon.

“Nay, okay lang ako. Ako na lang--”

“Tumingin ka na ba sa salamin, ha?! Mukhang isang pitik lang matutumba ka, eh! Maghintay ka jan, magpapalit lang ako ng damit!”

Wala na akong magagawa. Sasama talaga sya. Kaya umupo muna ako sa sofa.

“Tara na. Ano ba kasing ginawa mo na namang bata ka?!”

“Wala po. Mabait na kaya ako, Nay.”

Sinermonan nya ako hanggang sa makarating kami sa ospital.

“Jusko! Ano ba talagang nangyari sa'yo?!” Sabi ni Nay Linda pagkaalis ko ng jacket ko.

Kailangan daw tahiin yong sugat. 8 stitches. Pakshit! Ayokong maconfine!

May pinasign lang silang papel sa akin. Nagbayad na ako saka umalis. baka iconfine ako, eh! Pinayuhan ako ng doktor na magpahinga muna.

“Magpahinga ka raw muna! Naintindihan mo 'yon?!”

“Opo nay! Nakakaintindi naman po ako ng tagalog. Tss.-- Aray!” Paano, kinurot ako sa tagiliran!

“Napakapasaway mong bata ka!”

“Tama na nga, nay! Sermon ka na naman, eh! Pagod na 'yong tenga ko.. Time-out muna. Kain na muna tayo? Gutom na ako..”

Matapos naming kumain sa isang fastfood, umuwi na kami dahil dapat daw akong magpahinga.

“Ashley, pumunta nga pala dito 'yong isa pang gwapo kagabi.” Sabi ni Nanay pagpasok namin ng bahay. Siguradong si Troy 'yon. Dahil dalawa lang ang gwapong pumupunta dito. Si Ethan at Troy. Malabong si Ethan dahil 'ethan' na ang tawag ni Nanay sa kanya eh. Kaya si Troy 'yon.

“Pakisabi na lang natutulog pa ako, kapag pumunta sya ulit, o kahit sino. Pati si Cath.”

“Osige..”

Absent na naman ako! Haaaayyy! Kung hindi pala naalis 'yong scholarship ko, maalis din sya. Ano daw? Ang baba na siguro ng grades ko nyan. Hindi ko naman kayang pumasok, nanghihina pa ako. Hindi ko pa sila kayang harapin. Kailangan ko ng energy. Masyado akong nai-stress sa kanila!

Pumasok ako kinabukasan ng nakajacket pa rin na black. Para kapag dumugo ulit hindi masyadong halata sa kulay nya.

Alas-diyes palang ang first class namin.

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon