*Chapter 7

1.9K 64 0
                                    

Ashley

Pagkatapos nung nangyari kanina, gusto ko nalang lamunin ako ng lupa!

Mukha akong mananapak hanggang sa makauwi ako ng bahay dahil sa nangyari.

Kapag tinamaan ka nga naman ng lintek oh!

Bakit nya ginawa 'yon?!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at nagtatalon sabay sabunot sa buhok ko.

Nakakaasar!!!!

Nakakaasar nga ba?!

ay ewan!!

Parang hindi maatim ng sikmura ako na naka-isa sa akin ang walangyang yon.

"Ashley, Kumain ka na may nilu--to--"

Halos umatras si Nay Linda ng makita niya akong nakahandusay sa sahig at parang ina-asinan.

"Ayos ka lang ba Ashley? Anong ginagawa mo?"

Tinamaan ako ng hiya kaya dahan-dahan akong umupo at nag-ayos ng sarili.

"Nay, ano... ito po yung latest na pag-aalis ng stress ngayon." Ngingiti-ngiti pa ako.

"Naku! Mga kabataan talaga ngayon!"

Hindi na ako umimik. Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.

"Bumaba ka na rito at nang makakain ka na.." Pahabol pa ni Nanay Linda sa Baba.

Maya-maya bumaba na rin ako at kumain..

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na rin ako sa kwarto ko.

At nagtatalon sa kama ko!

Nagpagulong-gulong ako at nagbalot sa kumot ko.

Hindi. Hindi pwedeng ganito. Hindi ko talaga matatanggap to.

Mabilis akong tumayo pero sumabit yata ang paa ko sa kumot kaya naunang tumama sa sahig ang braso ko at katawan.

"Aww.." Napilay ata ako..

Bwisit na yun!

Kasalanan nya 'to eh!!!

Bakit kasi nya ginawa 'yon?!

Hindi man lang ako ready!

Sana man lang nakapagrespond ako diba?!

CHAROT!

Siyempre diba? Argh! Nakakainis! Itutulog ko nalang 'to...

Habang naglalakad ako sa school papunta sa classroom namin, hindi ako mapakali..

yung para bang may gusto akong makita pero iniiwasan ko?

Ano daw?!

Tss. Basta!

Tinitingnan ko lang yung paligid, yung para bang may pinagtataguan, ganon..

Baka may makita akong mga lalaking hindi naka-uniform.

Hindi kasi nagyu-uniform yung mga 'yon eh.

Bakit?

Utos daw ng anak ng may-ari ng school.

Tsk. Mga baliw talaga eh! Akala mo ang gugwapo! eh, mukha namang mga galing sa planetang Jupiter! Tapos yung mga ugali nila pang Uranus! Pero syempre maliban kay Troy, pang Neptune naman yung isang 'yon. Ibang-iba sa kanila eh.. Di ba?

"So, what's with the face?"

Lahat ng iniisip ko kanina ay naisigaw ko yata ng malakas dahil sa gulat. Mabuti at hindi kasama yung mga pangalan sa isinigaw ko.

AshleyWhere stories live. Discover now