Chapter 26

1.7K 38 4
                                    

Chapter 26

-----

Habang hinihila nya ako nakatingin lang ako sa kamay nya na hawak ang kamay ko. Dammit! Sobrang hinihingal na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakad-takbong ginagawa ko dahil sa paghila nya sa akin o ano eh!

Lahat ng nadaanan naming mga estudyante binibigyan kami ng daan. Oh! Si The Great nga pala itong humihila sa akin! May mga nadaanan din kaming mga classrooms na may nagkaklase na pero sinusundan talaga kami ng tingin. Okay. Nakakakuha na talaga kami ng atensyon. Tch.

Hindi ko naman magawang pumalag sa lalaking 'to dahil hindi pa ako makaget-over sa sinabi nya. Tss. I know. Hindi nya ako kayang pabayaan dahil konsensya nya pa kapag napahamak kami ni Cath. Since Blake is courting her walang problema si Ethan sa kanya, kaya ako nalang inaalala nya. I'm not stupid. Alam kong delikado talaga ang makipagkaibigan sa kanila. Madami silang kaaway. 'Yong iba nga ay maaring hindi nila kilala pero kaaway na ang turing sa kanila. At 'yon ay dahil gangster sila. Being a gangster includes illegal things, maybe they're not killers or what.. pero may mga ginagawa silang mga illegal. Kagaya na lang ng racing, its illegal. Pero napalapit parin kami ni Cath sa kanila. Tapos ako, for sure nakita or alam na ng mga kaaway nila na nag-stay ako sa bahay ni Ethan na lalong nagpalala sa sitwasyon ko. He's the effin' leader, and aakalain nilang malapit kami sa isa't-isa!

Tumigil kami sa harap ng isang kwarto. May pinindot syang password gamit ang kaliwa nyang kamay while the other is still holding may hand. Pumasok kami sa kwartong 'yon pagkabukas na pagkabukas nito.

Hinila nya ako at marahas na binitawan, hindi ako agad nakabalanse kaya napa-upo ako sa sofa. Aba. Teka lang. Parang may mali eh. Dapat ako yung galit dito!

“Hoy! Ano bang problema mo?” Bumalik ulit sa akin yung mga nagyari kanina sa caf. T'was hell!

“Remove that jacket.”

“W-what?!” Kumunot ang noo ko. Oh, shit! Kami lang dalawa dito sa kwarto. Alam kong ito yung tambayan nila dito sa school. At off-limits ito kanino man. Alam ko rin na sound proof 'to. Shit!

“I SAID REMOVE THAT FUCKING JACKET!” Medyo nagulat ako sa pagsigaw nya.

“B-bakit?”

“Ayokong makita kang nagsusuot ng jacket, damit o kahit ano pang gamit ng ibang lalaki!” Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Sa sobrang inis ko ay napatayo na ako.

“So, mas gusto mo akong makita na may mantsa ng juice ang damit at ipahiya ako sa lahat ng makakkakita sa akin, gan'on?! Ha!”

“Kaya nga dito ko pinapatangal yang letseng jacket na 'yan kahit na doon pa lang sa punyetang cafeteria'ng 'yon gusto ko ng itapon yan pabalik kay Troy!” Yeah. Nagsisigawan kami. Ano bang bago? “Tangna! Bat ba hindi ako nagjacket?!” Sinabi nya 'yon nung tumalikod sya. Siguro sa sarili nya na lang 'yon sinasabi. Ano bang ipinaglalaban nito?! Ang lagkit-lagkit na nang pakiramdam ko 'yong issue nya pa rin ang inuna nya.

AshleyWhere stories live. Discover now