Chapter 37

1.6K 45 7
                                    

Haven't read this chapter after i typed it, so I'm sorry kung may mga kulang na words, wrong spelling, pati sa grammar. Correct me, in case.

sige.. Basa!

---------------

Chapter 37

---

Dalawang araw akong hindi pumasok. Nagkasakit kasi ako.

Dati pag papasok ako ng wilson's wala akong pakialam kung anong dadatnan ko d'on. Papasok lang ako kasi gusto kong mag-aral ng matapos na ang paghihirap ko sa mga bwisit na projects and all. Pero ngayon, tinatanong ko na 'yong sarili ko.. okay na kaya sa wilson's? Babatuhin kaya nila ako pagpasok ko ng school? Haaaay!

May dala na akong payong ngayon. As usual, tshirt at pants lang ang suot ko. Kaya lang ngayon ay nakajacket ako na black. Malamig kasi, eh.

Pagdating ko sa tapat ng class s huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Naroon na ang knights, si Irish pati si Cath.

“Good morning.” Bati ko sa kanila.

Nagiwas ng tingin si Ethan. Nakita 'yon ni Irish kaya ngumisi sya sa akin. Ewan ko lang kung may ibang nakakita n'on dahil nakatingin ang iba sa akin, eh.

“Morning din. How are you?” Si Troy.

“Okay na ako. Pagod lang..”

Dumaan ang dalawang subjects namin na tig dalawang oras ay hindi ako nagsasalita. Awkward? Siguro. Nakakapanibago rin pala na hindi na kami nagaasaran ni Ethan. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. How I miss him!

At dahil nasanay na rin siguro ako na hindi nagla-lunch kasama sila ay agad na akong nagpaalam kay Cath.

Sa may gym ako pumunta. Dito na lang ako maglalunch. Walang tao dito ngayon dahil walang practice. Exams next week kaya busy lahat.

Sa bench ako pumwesto. Sarap ng tahimik na buhay. Hinubad ko muna 'yong jacket ko at nagsimula ng kumain.

Tapos na akong kumain at nililigpit ko na ang mga pinagkainan ko ng may marinig akong pumasok ng gym. Paglingon ko... tss. Sana hindi na lang ako lumingon.

“How's life?” Ayan na naman ang ngisi ng bruhang nagpapaka-anghel. Bakit wala ata 'yong mga kampon nya?

Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ko lang ang pagliligpit ko.

“Kapag kinakausap kita.. umayos ka!” Hinila nya ang braso ko at hinarap sa kanya.

“Bakit ba? Lumalayo na nga ako diba? Ikaw 'tong lapit ng lapit sa akin eh—Ahhh!” Shit! Sinampal nya ako!

“'wag na wag mo 'kong sisigawan!”

Naglabas sya ng isang maliit na kutsilyo sa may kanang binti nya. Naitago nya 'yon d'on?!

“A-Anong gagawin mo?!” Ngumisi lang sya at unti-unting humakbang palapit sa akin. Shit! Papatulan ko talaga 'to!

“I want you out of our lives! The Knights are mine!” At dahil sobrang nabwisit ako sa sinabi nya hindi ko namalayan ang mga galaw nya. Ang bilis nya! Nainform naman ako na gangster 'tong babaeng 'to pero hindi ko pa rin iniexpect na gagawa sya ng ganitong stunt sa isang taong hindi naman lumalaban. Gulat pa rin ako pero nararamdaman ko na ang hapdi sa kaliwang braso ko.

“Shit!” Malutong na mura ko ng makita ko ang braso ko na may nakatusok na kutsilyo at umaagos ang dugo. Parang mas lalo kong naramdaman ang hapdi ngayong nakikita ko na 'yong dugo.

“Masakit ba?” Tumawa pa sya! Lumayo sya agad para hindi malagyan ng dugo ang puti nyang damit kanina.

“Nababaliw ka na!” Itinulak ko sya ng nagtangka ulit syang lumapit sa akin. Hindi nya siguro inakala na kaya ko pa syang itulak kaya natumba sya. Inalis ko ang kutsilyo sa braso ko kaya mas lalo yung dumugo.

AshleyWhere stories live. Discover now