Chapter 28

1.7K 43 0
                                    

Chapter 28

---

Pagkapasok ko ng school halos lahat ng madaanan ko napapalingon. Haba ng hair, di ba? Tsk. Subukan lang nila akong guluhin ngayon at papatulan ko talaga sila! Lalo na yung lecheng babaeng 'yon?! Nakuuuu!!

Mahapdi pa rin ang mga sugat ko sa braso. MGA, ibig sabihin marami. Ang tanga lang kasi, naaksidente pa ako!

Maraming ngayong estudyante ang nagkalat sa mga corridor ng school. 'Yong iba ay tiga ibang school pa. Ngayon kasi ang laban ng Knight, I mean ng varsity team ng school kung saan kasali ang Knights, at ang school ang magho-host ng event na 'to. Walang pasok ngayon, hindi magkaklase ang mga prof para daw masuportahan ang team. Tch. Alam lang nila na wala talagang papasok kahit na magklase pa sila. Kung wala lang talaga akong kailangang ipasa na mga projects dahil sa pagabsent ko nang 1 week n'on? Malamang tulog pa ako hanggang ngayon. Ang sakit pa ng katawan ko!

“Ashley!” Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Si Cath, sino pa ba?

“Oh my God! Anong nangyari sa'yo?! Sina Mariel na naman ba?!” Sabi niya ng makita ang mga galos ko sa magkabilang braso. Buti at nakapants ako kahapon at hindi nasugatan ang mga binti ko at hindi rin ako nabalian.

“Mariel?”

“Mariel! 'Yong kaaway mo.”

“Ahh! Mariel pala pangalan nya? Hindi. Naaksidente ako kahapon. 'Wag mo na nga lang itanong. Naiinis ako eh. Pati, okay lang din naman ako. Mga galos lang 'to. Tara na?”

Hindi ko na sya hinintay na makasagot pa dahil hahaba lang ang usapan namin at magtatanong lang yan ng kung ano-ano kaya nauna na akong maglakad sa kanya.

“Ash, may sasabihin sana ako sa'yo.” Huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. Huminto rin sya.

“Tungkol?”

“Kay Blake.”

“Kayo na?”

Nagulat sya sa sinabi ko. “Paano mo nalaman?!”

“Ow! Kayo na nga?”

“Tss. You're not even surprised!” Tinalikuaran nya ako at naglakad siya ulit. Seriously? Anong problema nito? Paano naman ako magugulat kung nung umpisa palang alam ko na na sasagutin nya talaga si Blake. Mas nagulat pa nga ako dati dahil hinayaan nya pang manligaw si Blake eh.

“Hey! Bakit ba? Paano ako magugulat kung sa araw-araw na kasama kita daig mo pa 'yong mag boyfriend/girlfriend sa mga kinikilos ninyo! Hatid sundo ka pa nya! Kaya hindi na kagulat-gulat 'yon!”

“Eh, bakit ikaw?! Hatid sundo ka rin naman ni Ethan ah! At magugulat talaga ako kapag sinabi mo sa akin na kayo na!”

Okay. Ako naman ngayon ang natigilan. Bakit napunta sa akin?

AshleyWhere stories live. Discover now