Chapter 29

1.7K 43 0
                                    

Chapter 29

---

Nagsisimula na ang game ng makarating kami. Wala ng five minutes ang natitira sa second quarter pero hindi pa naman masyadong malayo ang score ng kabilang team.

Hinatid ako ni Ethan kung saan nakaupo si Cath. Nasa may court side kami malamit sa bench ng Wilson's. Nakita kong napatingin sa amin sina Bryan na nasa court ngayon at maging ang mga babaeng hindi ko na alam kung ilang beses na akong pinatay sa mga isip nila. Nang napatingin ako kay Troy, hindi ko alam kung ano 'yong ipinapakita nyang 'yon, kung galit ba sya o medyo pagod lang sya.

Sobrang dami ng tao ngayon dito sa gym ng school. Kung hindi nya ako sasamahan papunta dito sa tabi Cath ay baka doon na ako sa pinaka dulo maka-upo dahil d'on na lang ang medyo maluwang.

Marami na rin ang sumisigaw at nagchi-cheer para sa Team ng magkabilang school. Okay, fine. Ang Knights. Sila na ang pinagchi-cheer nila! Leche! Tiga kabilang school pero 'yong banner 'we love you Black Knights'?! Traydor din 'tong mga 'to eh.

“Hey. Stay here hanggang matapos ang laro. Okay?”

Tumango lang ako sa kanya. Tapos ay naglakad na sya papunta sa bench nila at nagsimula ng magwarm-up.

Bumaling naman ako dito sa katabi ko na naniningkit na naman ang mga mata sa kakatitig sa akin.

“What?”

“What happened? Anong nangyari sa inyo at bakit kayo na-late?”

“W-wala. Anong pinagsasasabi mo?” Siguro sasabihin at ikukwento ko sa kanya ang lahat pero hindi dito. Baka isigaw ng babaeng 'to eh.

Lalong naningkit ang mga mata nya.

“Liar. Uhmm. Meron talaga eh..”

“WAAAAAHHHHH!!!”

Nabalik ang atensyon namin ni Cath sa game dahil sa sigawan dito sa gym. Blake is on the floor. Nakahiga sya at tila ayaw nya pang tumayo dahil may masakit sa kanya. May mga nagmumura na rin. Kulang na lang ay kuyugin nila yung lalaking nakatulak kay Blake. Tss. Hindi ba nila alam na Basketball is a physical game?! Mukhang hindi naman 'yon sinadya n'ong lalaki eh. Lumapit pa nga sya kay Blake para sana tulungan si ito sa pagtayo.

Well, hindi naman pwedeng magyabang ang mga kalaban nila, lalo na sa Knights. Bukod sa mga babaeng nakapaligid ngayon sa kanila ay ayaw rin naman siguro nilang pag-initan sila ng Black Knights, hindi ba?

Naramdaman ko na parang may katingin sa akin kaya luminga-linga ako at tama nga ako. There is someone on the other team na nasa court ngayon na nakatitig sa akin habang nagkakagulo ang lahat dahil baka nainjured si Blake.

Bakit ba ako tinititigan nito? May mali ba sa akin? Sa suot ko?

Ashleyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن