*Chapter 8

2K 56 0
                                    

Ashley

Pagkatapos nung nangyari kanina, dumiretso na ako sa room namin...

Buti naman at wala yung hinayupak na 'yon.. Kundi? Naku!!!!

Pero, natapos ang buong araw at hindi pa rin sya nagpapakita.

So, anong gusto nyang sabihin?!

Pumasok lang sya para bwisitin ako at sirain ang araw ko?! Loko 'yon ah!

Naglalakad ako pauwi ng may bumusina sa gilid ko.

"Ay, butiking checkered! Anak ng magandang pulang kotse naman oh!!!" -Talagang nadiscribe ko pa yung kotse na kulang na lang ay sagasaan ako! Baliw ba 'tong driver nito!?

Padabog akong lumapit sa may bintana ng driver at pinalo ko pa ng malakas yung pintuan ng kotse.

Eh, sa nakakabwisit talaga eh! Maghapon na nga akong badtrip dahil sa mayamang malnourish na 'yon, tapos sasabay pa 'to?!

Bumaba naman yung super tinted na bintana nung mamahaling pulang kotse..

May slomo effect pa!!

'Yong galit na galit kong mukha kanina biglang umaliwalas dahil sa mukhang tumambad sa akin. Alam kong para akong naempatso dahil sa pilit kong pagngiti.

"He-he-he. Troy.." Sabay pacute ko. Kunwari mahinhin. "Ikaw pala yan.. Ganda ng kotse mo ah? Nilagyan ko lang ng finger print ko." Ano ba Ashley! Retarded ka talaga! Anong klaseng palusot yang naisip mo?! May pahampas-hampas ka pa kasing nalalaman eh!

"Ikaw talaga.." Pang toothpaste commercial naman yung ngiti niya sa akin. Mabuti at pinalampas niya yung ginawa ko. "Hop in!" Saka niya binuksan mula sa loob ang front seat.

"Huh?"

"Sakay ka na.."

Anong akala nya sa akin? Di marunong mag-english? Tinranslate nya lang eh!

"San tayo pupunta?"

"Ihahatid lang sana kita sa inyo, pero kung gusto mong may puntahan pa tayo.. hmm.. Let's have a dinner then.."

At dahil may pagkawalangya din ako, sumama ako. Kung masamang tao lang itong si Troy, nakidnap na ako. Nakarinig lang ng pagkain sasama agad. Patay gutom.

Pumasok kami sa isang restaurant..

Mukhang mamahalin nga.. Kada table may chandelier. OA pero pwedeng iconsider na maliit na chandelier nga yong nasa tapat ng kada mesa.

"Good Evening sir, Good Evening Ma'am!" Bati sa amin nung babaeng pwede ring pang toothpaste commercial.

Ano ba yan! Lahat na lang ng bagay may comment ako! Pansin nyo? Gan'on talaga, be aware!

"Do you have any reservation Sir?"

"Ahm, No. Just a table for two please.."

Dinala naman kami nung babae sa isang table. Natural! Alangan namang dalawa! Ano 'yon? Magkahiwalay pa kami ng table?! Okay, Ashley! Corny.

Pinanghila naman ako ni Troy ng upuan at pinaupo..

"Thank you.." Sabi ko.

"You're welcome.."

Tapos ay inabutan kami ng menu nung babae..

Ni-scan ko yung menu, pero hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain kaya binitiwan ko rin agad.

"Wahat do you want, Ash?"

"One extra rice.. and just give me coke for my drinks."

Nagsusulat naman yung waiter at parang napatigil sya pagkasabi ko nun at tiningnan ako..

AshleyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt