Chapter 20

1.7K 35 1
                                    

Chapter 20:

 Pagdating nila Ashley sa bahay nila Ethan..

“Oh, wala ka man lang sasabihin sa bahay namin? *smirk

Tila nagtatakang tiningnan naman ni Ashley si Ethan.

Eh? Ano bang pinagsasabi neto? Dapat ba kinakausap yung bahay nila pag pumasok ka? Sa isip ni Ashley..

 Pagkatapos ay inilibot nya ang paningin sa loob ng bahay..

 Maganda naman.. yung design.. lahat. Tapos malaki pa-- Teka. Yun ba yung ibig nyang sabihin? Gusto nya bang mamangha ako sa bahay—este palasyo nila? Tsk! Ang yabang talaga neto.. Pagbigyan na nga.. Pinatuloy naman ako..

 “Wooooooow! Ethan! Ang ganda naman ng ba—palasyo nyo! Ang ganda-ganda talaga!! * o *”

 Umarte pa talaga sya na para bang manghang-mangha.

“Tch! Ang OA mo! Badtrip ka talaga!”

Nagdadabog na umakyat na ng hagdan si Ethan..

“Hoy! Teka lang! San ang kwarto ko?!”

Tumigil naman sa pagakyat si Ethan at humarap kay Ashley.

“Kwarto MO?! Ha! Grabee! Parang nasa hotel lang ah! Tch! Wala ng bakanteng kwarto! Dun ka sa maid's quarter may bakante pang higaan dun!”

Tumalikod na ng tuluyan si Ethan..

“Tch! FIRST DAY MO BA?! ANG SUNGIT MO AH!” -pahabol pa na sigaw ni Ashley.

Natatawa na lang ang mga naninilbihan kina Ethan dahil sa sigawan ng dalawa..

 “Ahm.. Ms. Ashley, may guest room naman po sa taas.. you can stay there..” -Mr. Jung na syang butler ni Ethan.

“Hindi na po.. okay lang po ako sa kwarto nila ate kung yun yung gusto nung lalaking yun.” -umirap pa sya sa hagdan kung saan umakyat si Ethan kanina.. “Pero Salamat pa rin po.. Okay lang po ba kung makikituloy po ako sa inyo ng ilang araw?” -tanong nya sa mga kasambahay nila Ethan.

 “Okay lang po sa amin, ma'am” -sagot naman ng isa sa kanila na medyo may katandaan na..

“Ay naku! Wag nyo po akong tawaging ma'am. Makikituloy lang din naman po ako dito..

“Kung yan ang gusto mo, ija. Halika at ihahatid ka na namin sa kwarto at ng makapagpahinga ka..”

*

*

AshleyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant