*Chapter 5

2.1K 57 3
                                    

Ashley

Wala kaming choice ni Cath kung hindi ang lumipat at pumasok sa klaseng sinabi ni Blake. Ano nga bang laban namin sa isang 'WILSON' sa WILSON'S UNIVERSITY, di ba?!

Ang magagawa ko nalang ay ang sapakin yung lalaking 'yon kapag may hindi magandang nangyari sa amin, lalo na kay Cath, dahil malalaman na ng lahat na nililigawan sya ni Blake.

Wala pang may alam bukod sa amin dahil ayaw ipaalam ni Cath, dahil ayaw nya rin ng mga 'haters'.

At dahil no choice nga kami ni Cath kung hindi ang pumasok sa Class S, dahil hindi naman kami papapasukin ng mga prof sa section dapat namin. Heto kami at naglalakad na malapit sa Room na yon. The hell room.

If you are wondering kung anong big deal sa 'Class S'...

yun lang naman ang section ng Black Knights.. At kapag sinabi kong section nila 'yon, kanila talaga. As in literal!

Sila kasi ang nagdedecide sa halos lahat ng kaganapan sa klaseng 'yon. Yung tipong sila pa ang magdedecide kung tatanggapin ba sa klaseng 'yon ang isang estudyante o hindi.

Mayayaman lahat ng nasa class S. Halos lahat naman ng mga nagaaral dito sa Wilson's, pero yung mga nasa Class S sila yung mga mayayaman sa lahat ng mga mayayaman dito sa school. Kagaya na lang nung apat.

"Ash, ano kaya kung magtransfer na lang tayo ng ibang school?" Kinakabahang tanong ni Cath. Well, ako din naman, kinakabahan.

Hindi namin alam kung ano ang kahihinatnan namin pagkapasok namin sa silid na to.

"Baliw ka ba? Hindi pwede. Alam mo yan."

Hindi siya nakasagot. Binalingan ko siya na namumutla.

"Okay lang yan. Tara na, pasok na tayo." Hinila ko na sya papasok. Nagpanggap akong matapang pero ang totoo ay kinakabahan talaga ako. Sasapakin ko talaga yung lalaking yun pag nakita ko! Seryoso.

Pagpasok namin ni Cath, lahat ng atensyon nila nasa amin.

Sige lang. Sana hanggang tingin lang ang mga to.

May bulungan akong narinig sa hindi kalayuan.

"So, sila na pala 'yon"

"Tss. sayang effort nila dad. Ginamit ko pa yung influence nila para lang maging kaklase ko ang Knights tapos sila, ganon ganon lang?" 

Maka influence naman 'to. Para namang ginusto naming mapunta dito 'no?

"Yeah right! At sinali pa 'tong hampaslupang 'to."

Teka, ako ba sinasabihan nya 'non? Nakatingin sa akin eh.

Tiningnan ko lang sya, tapos sya naman ay inirapan ako. Aba! Bruha 'to! Ikaw kaya pagulungin ko?!

"Cath, pigilan mo ko. Kakalbuhin ko yan!" Mariing bulong ko kay Cath.

"Ashley, easy ka lang. Lalo lang lalaki 'to" Mahinang sagot niya sa akin at humawak ulit sa braso ko.

Kinakabahan talaga sya. Pinagpapawisan na yung kamay nya.

Maya-maya pa, may lumapit na apat na babae sa amin. Pawang mga mukhang hindi gagawa ng maganda. Ito yung mga mukhang manghihila ng lalaki sa dilim at magoofer ng 200 pesos para sa serbisyo.

"Hey, is it true na nililigawan ka ni Blake kaya kayo nilipat dito?"

Yung babaeng kulay pula ang buhok na hanggang lampas sa balikat at may maiksing palda. Kulay itim ang panloob na spaghetti strap niya at pinatungan niya naman yon ng puting longsleeves.

AshleyWhere stories live. Discover now