Chapter 35

1.5K 43 2
                                    

Chapter 35

---

Ashley

Pagpasok ko palang ng gate ng school sa sumunod na araw ay pinagtitinginan na ako. Bulungan dito, bulungan doon.

Dumiretso ako ng cafeteria dahil napagusapan namin ni Cath na kumain muna doon.

“Good morning, Ash! Grabe! Ang sakit ng katawan ko!” Salubong sa akin ni Cath.

“Morning! Baka naman kasi nilangoy mo 'yong kalapit na isla ng Fairytale?”

Kumain lang kami ni Cath. Alam kong may alam si Cath pero ayoko 'yong malaman kahit na may hinala na ako.

Nag-cr muna kami pagkatapos naming kumain bago pumunta ng classroom.

“Look who's here?” Napatingin kami ni Cath sa mga babaeng kakapasok lang. Sila 'yung mga babaeng huling umaway sa akin.

“Ano? Wala ng pakialam si Ethan sa'yo ano? I told you.. Irish is much better than you. Right?” Yumuko lang ako. Wala pa akong lakas para makipagaway sa kanila.

“Girls, tara na. Sa iba nalang tayo mag-cr. Parang.. ayoko na dito.” Tapos ay tumatawa silang umalis.

“You okay, Ash? Pabayaan mo na lang sila..” Tumango lang ako.

Pumunta na kami ng classroom. Nadatnan namin ang Knights na nasa classroom na. Katabi ni Ethan si Irish na katabi naman ng upuan ni Cath, in short, d'on sa upuan ko. Saan ako nyan?

“Good morning, Ashley!” Pilit akong ngumiti pabalik kay Irish. At lumapit na lang sa upuan sa tabi ni Troy.

“I told you, don't smile if its fake..”

“Yeah, Troy. But i'm not going to cry on your shoulder this time.”

Nagpatuloy lang ang klase namin. Nakinig na lang ako. Sayang tuition, no!

Nag mag-lunch ay hindi ako sumabay sa kanila. Lumabas ako ng school. Hindi ako nagpaalam, tinext ko na lang si Cath paglabas ko.

Hindi na ako ulit bumalik ng school at dumiretso na ako sa bahay.

Wala namang masyadong ginagawa pero bakit parang pagod na pagod ako?

Nakakapanibago rin palang walang naghahatid sa akin sa bahay..

Dalawang linggo ang lumipas at hindi na ako gaanong nakikisama sa Knights pati na rin kay Cath. Nararamdaman rin naman siguro nila na umiiwas ako kaya hindi na nila ako pinipilit pa na sumama. Ayokong magmukhang tanga kapag kasama sila.

'Yung parang first day of school lang tapos transferee ka? Magkakakilala sila lahat, dahil magkakaklase sila last school year... kwentuhan sila.. maingay. tapos ikaw, hindi ka maka-ride? It sucks!

Pag dumadating ako sa Class S, nagbabatian lang kami tapos magpapaalam ako kapag magla-lunch na. Its either sa labas na lang ako ng school kakain o bibili ako sa caf kung walang pinabaon sa akin si nay linda at sa garden ako kakain.

Si Ethan? I don't know. Ang layo nya, eh. Hay!

Nakaupo ako sa may lilim ng puno na madalas kong tambayan.. Argh! Memories! Kung maka memories ako, parang ang tagal na, eh, no? 'Yon kasi 'yong nararamdaman ko.

“Hey!” Napatingin ako sa babaeng nagsalita.

Its Irish.. with the girls na umaaway sa akin. Hindi sina sadako. Yung isa pa..

Nakangisi sya. Nasan na 'yong babaeng napakasweet ngumiti? Ang plastic pala nito, eh!

Lumapit sya sa akin at sinipa ang lunch ko na hinanda ni Nay Linda. What the?! Tiningnan ko ang pagkain kong natapon na sa may damuhan.

AshleyOnde histórias criam vida. Descubra agora