Chapter 30

1.8K 49 1
                                    

Chapter 30

---

Dumaan pa ang ilang mga araw at ganoon pa rin naman kami. Si Cath at Blake naman araw-araw maghapong naghaharutan. At kapag sinabi kong maghapon, maghapon talaga. Dahil lagi nga kaming absent nang nakaraang linggo (na kagustuhan ni Ethan) kaya nagattend din kami ng special classes para sa varsity team. Imagine? Puro lalaki kasama mo, pero wala man lang sumubok na tumingin ng diretso sa amin ni Cath. Bakit? Kasi noong isang araw, biglang may sinuntok si Blake paglabas namin ng caf. Tiningnan nya kasi si Cath, at parang may iba daw sa tingin nung lalaki. Seriously?!

At sabi rin ni Ethan sa akin na.. “Oh. Di ba? Mabait pa ako sa lagay na 'to dahil hindi ko sinuntok 'yong gagong tiga Pariston.” Anong problema nila? Si Troy naman, mula ng basketball game hindi ko na nakausap ng matino. Well, nakakausap ko naman sya kung magtatanong ako or sya at madalas ay answerable pa by yes or no.

About me and Ethan? Ewan ko. Kagaya pa rin ng dati. Lagi nya pa rin akong hatid-sundo. Lagi ko syang kasama sa school. Kami ba? Na-uh. I don't think so. He doesn't even hold my hand. Wala ring akbay. Lalo naman ang kiss!

Wala naman talagang nagbago, bukod sa way ng pagtingin ng mga babae sa akin dito sa campus. Kung dati pinapatay na nila ako sa mga tingin nila, parang ngayon may binabalak na silang masama? Alam mo 'yon? Tss. Creepy. Pero wala lang silang magawa dahil halos sa lahat ng oras-- no.. hindi pala 'halos' dahil sa lahat ng oras talaga ay kasama ko sya. Pag magsi-cr ako, lagi syang naghihintay sa labas. Parang mas creepy sya, no?

Habang naglalakad-lakad ako papunta sa paborito kong tambayan dito sa campus naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa bulsa ko ngayon. Kinuha ko naman agad at sinagot ang tawag na hindi ko alam kung sino. Unregistered, eh.

“Hello? Sino 'to?”

“WHAT THE FUCK, ASHLEY?! Where the freakin' hell are you?!” Uh-oh. Hindi ko pa pala nase-save ang number nya. Alam ko naman sana na sa kanya number 'yon kung nagtext na lang sya. Ito kasi 'yong first time na tumawag sya.

“He-he. Nagpapahangin lang-- ARAY! SHIT!” Bago pa ako makapagpaliwanag kay Ethan may sumabunot na sa akin.

“Hello?! Ashley?! What happened?! Hello?! Where are you?! Ashley! Shit!!” Naririnig ko pang sumisigaw si Ethan sa kabilang linya pero hindi ko sya masagot dahil nasasaktan talaga ako sa mga ginagawa sa akin nitong mga walangyang tao na nakapalibot sa akin ngayon.

“Ang kapal ng mukha mo!” Sinampal nya ulit ako. Malakas. Kaya medyo nawala ako sa balanse.

Hinablot naman nung isa nyang kasama ang braso ko kaya tumilapon ang cellphone ko.

“Ilusyonada!” Sinampal nya ulit ako sa isa pang pisngi. What the eff!

Hindi na ako nakapagpigil. Susugurin ko na sana sila kaso may dalawang pares ng kamay ang humawak sa magkabilang braso ko. Malakas itong dalawang lalaking humawak sa akin kaya hindi ako makapalag. Mas matangkad pa sila sa akin.

“Ano bang problema nyo sa akin, ha?!” Habang iniisip ko kung paano ako makakatakas sa dalawang lalaking ito ng hindi sila masyadong nasasaktan, lumapit na sa akin ang ikatlong babae at sinampal ako sa magkabilang pisngi, tapos ay sinabunutan.

AshleyWhere stories live. Discover now