*Chapter 10

1.7K 55 0
                                    


Troy

"Oh, Bakit naging allergic sya sa mga kagaya ni Ms. Bangs, diba yun naman ang gusto ng mga babaerong tulad nyo?" Tanong ni Ashley. Natatawa talaga ako sa mga pangalang ibinibigay nya sa mga tao sa paligid nya. Ang kulit lang..

Mukhang nagiging curious talaga sya..

"Ganito kasi yan..." Ako na ang magkukwento. Baka saan mapunta anh dalawa. "Si Ethan, Hindi naman talaga yan ganun kasungit dati.. especially sa girls.. may nangyari lang kaya sya nagkaganyan.."

Nangyari ito nung nasa first year college kami... Malapit nang matapos nun yung first sem..

Papunta kami sa Silver Saints' place. One of the allies of our gang. Yun yung parang hideout nila.

Nasa Third year highschool pa lang kami ay buo na ang Black Knights...

Kagagaling lang namin sa isang.. uhm, you know, gangster's things.

In short. . . AWAY, GULO o kung ano pa mang gusto niyong itawag dun.

Nakarating kami sa hide out nila at syempre, dahil kilala na din ang gang namin that time, dahil nasa 7th place kami, pinapasok naman kami ng walang kahirap-hirap.

Well, ang Silver Saints naman ay ang rank 1 that time.

Pagpasok namin sa bar nila..

Nanlaki ang mata naming apat sa nakita namin.

A girl and a guy kissing.

Napahinto naman sila nung naramdaman nila ang prisensya namin.

Agad naming hinawakan si Ethan dahil sa pagsugod niya. Hindi kami pwedeng manggulo dito. "How dare you! Pagkatapos ng ginawa ko?! Ng ginawa namin?! Ito lang?! Ito lang?! Tangina!!" -Sigaw niya habang nagpupumiglas sa hawak namin.

Bakit ganyan yung reaction nya?

Yung babae kasi, girlfriend niya.

Siya ang kaisa-isang babaeng sineryoso ni Ethan.

Yung tipong, pinaglalaanan nya talaga ng oras, hinahatid sundo nya....

Magdadalawang taon na din yung relationship nila.. Tapos ganito lang..

"Mga walang hiya kayo! So, inuto mo lang ako para ipagawa sa akin 'yon?! Tangina! Tangina lang!!!" Mukhang makakapatay na si Ethan sa lagay nya. "Mahal kita eh! Mahal na mahal! Nagawa ko ngang gawin 'yon para sa'yo! Tapos ganito lang?!" Bumitaw kami sa kanya dahil mukhang hindi na naman na siya susugod. Tumayo na lang kami sa gilid niya. Hindi na lang kumikibo, kahit sobrang galit yung nararamdaman namin... Alam kasi naming, Mahal talaga 'to ni Ethan.

"Ethan, mag-eexplain ako, please.. Mahal kita.." Now she's crying? Tss. Bakit ba kasi kami sumunod sa kagustuhan ng babaeng 'to?!

Sya ang 2nd leader ng gang nila. Kapatid siya ng leader.

"Mahal? Alam mo ba yung salitang 'yon, ha? Ha? Sumagot ka!!!" Hindi na namin siya napigilan sa paglapit sa girlfriend niya. Hinawakan nya sa magkabilang braso..

At dahil nga nandito kami sa teritoryo nila, agad naman nilang nailayo si Ethan sa 2nd leader nila.

Tapos ay biglang dumating yung leader nila..

Sinuntok nya si Ethan, kaya napahiga sya sa sahig.

"Ang lakas ng loob ninyong manggulo sa teritoryo ko?! Alam nyo bang pwede ko kayong patayin ngayon dito?!" Sigaw niya sa amin.

"Uno, tama na.. ako nang bahala sa kanila.." Sabi ng kapatid niya. Kasalanan nya 'to eh!!

"Ano?! Matapos--"

"Kuya, Please?"

Tumalikod naman yung leader at sinenyasan na sumunod sa kanya yung mga member nya...

"Ethan, I'm sorry---"

Tumayo na si Ethan kaya hindi na nya naituloy yung sasabihin nya.

Naglakad si Ethan palabas at parang walang buhay.

"--At yun na nga ang Alamat ng Ampalaya!" Biglang sabi ni Bryan. Binato ko nga ng crumpled tissue.

"Oh, eh paanong sya yung mangunguna sa listahan na sinasabi mo Blake, kung wasak naman pala yang kaibigan nyo?" tanong ni Ashley.

"Past records nga diba? At saka, hindi mo ba narinig yung kwento ni Troy? Siya lang yung babaeng sineryoso, ibig sabihin, maraming hindi sineryoso yon!" Ani Blake.

"Akala ko bang 2 years sila 'non?"

"Ash, bago naging sila, dun siya babaero." Sagot ni Cath sa kaibigan. Bakit alam nya?

"Nasa third year highschool palang sila 'non diba?!"

"Exactly! Ang aga nyang lumandi!" Ani Bryan.

"Bryan, yung totoo? Bakla ka ba? Tss." Singhal ni Ashley sa kanya.

Tumawa naman kami dun.

"Yun nga, at yung ibang naging girlfriend niya, matagal na yung isang buwan na relationship. Tapos, as in, in wala na yatang pagitan ang pagpapalit niya. Bago na yung kasama niya, dun palang namin malalaman na break na sila nung isa. And take note. 3rd year highschool palang kami n'on." Paliwanag ni Blake.

"Pero, tumigil naman sya nung nakilala nya accidentally yung babaeng yun eh.." Ani Cath. Teka, bakit ang dami atang alam ni Cath?

"Nasaan na ngayon yung babaeng yon?" Tanong ni Ashley.

Ako na ang sumagot, sa akin kasi sya nakatingin eh..

"After nung gabing 'yun, hindi na ulit sya nagpakita.. Ang huling balita namin sa kanya, nasa Japan sya .. Pero yung gang nung kapatid nya, active pa rin hanggang ngayon at sila ang pumapangalawa sa amin."

Tumango-tango naman si Ashley bilang sagot. Ang cute nya talaga...

"Teka lang, Hoy Cath! Bakit nga pala ang dami mong alam?!" Tanong ni Ashley sa kaibigan.

"Classmates ko kaya sila nung highschool!"

Nagulat naman kaming lahat don.

"Huh?! Sino ka d'on?!" Tanong ni Blake sa kanya.

"Walanghiya ka! Tingnan mo, ni hindi mo ko matandaan?!!" Sinapak niya si Blake.

Ako nga rin hindi ko sya matandaan eh..

"Baka naman nagparetoke ka?!" Ani Bryan. At apat na iba't-ibang bagay ang tumama sa kanya. Baliw eh.

"Anong akala mo sa Babe ko? Retokada?! Mukha bang retokada yan? Ang ganda kaya nya! Natural oh!!" At itinuro pa yung mukha ni Cath. Binatukan siya ni Cath. "Aray! Cath naman.."

"Wag mong iligaw ang usapan!"

Napapailing nalang ako sa dalawang ito... Lagi silang nag-aaway pero obvious naman na may gusto sila sa isa't-isa.

Bakit kaya may mga tao talaga na idinadaan nila sa biro at pang-aasar ang mga bagay na ganyan no?

Kaya madalas, napagkakamalang biro lang kahit seryoso na pala..

Napatingin naman ako sa may bandang kanan ko.

Nakangiti sya habang nanonood at nakikinig lang sa sagutan nila Blake..

Ashley, wag kang masyadong ngumiti, baka makalimutan ko na nang tuluyan ang salitang pagpaparaya...

_________

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon