*Chapter 9

1.9K 44 0
                                    

Ashley

Its been three days matapos yung dinner namin ni Troy.

Nandito ako sa room ng Class S.

Natural! Dito na yung room namin diba?

Nandito na pala ang hinayupak na 'to. Ngayon lang kasi ulit sya pumasok...

Friday na ngayon.. Pumasok pa sya diba?!

Bakit parang ang tahimik ata nya? Parang may nakapaligid na black aura sa kanya oh.. Tapos parang tinutubuan na sya ng sungay tapos parang may buntot na rin sya.. Maya-maya pa tutubuan na rin yan ng---

"Stop staring. Baka malusaw ako." Pangiistorbo niya sa pagpapantasya ko.

"Exactly. Wag kang magulo, nagcoconcentrate ako. Lulusawin talaga kita." Sinasabi ko yan habang nakatitig talaga sa kanya. Anong akala niya, magpapatinag ako?!

"Tss. You're weird." Aniya at sumimangot.

"Don't worry. Mas weird ka. Ipadala kaya kita sa NASA? Nang mapatunayan na nating ALIENS DO EXIST at wag silang magfocus sa Mars dahil taga Jupiter ka."

At yung pikon.. Marahas naman na tumayo at nagulo la yung mga dinaanan nyang upuan..

Nagulat naman lahat ng nasa room. Pati yung tatlong kaibigan nya at si Cath.

Sumandal naman ako sa upuan ko at nagcrossarms pa. Kibit-balikat na parang walang kinalaman sa nangyari. Inosente.

"So, ganun pala magalit ang mga Jupiterians? Ow..Tss. Tss. Tss. This is another breakthrough for NASA." Sabi ko pa.

Tapos nagtawanan na sila! Sa pangunguna ni Bryan! Fan ko talaga ang isang 'to eh..

"Good Morning Class!" Bati ng prof pagpasok niya.

Kaya umayos na kami ng upo at tumahimik na..

Lumipas pa ang ilang oras at ilang subjects na rin namin ang natapos.. Pero yung alien hindi pa rin bumabalik. Napikon ata masyado..

Hoy, Hindi ko sya hinahanap ah! Napansin ko lang na hanggang ngayon eh, wala pa sya.

"Okay. Thats all for today, you may take your lunch now."

Malamang sa malamang kasama na naman namin ni Cath maglulunch ang tatlong to? Tss.

Dapat ba talaga kasama sila?

Pumunta na kami ng cafeteria at umupo na kami ni Cath.

Naghihintay naman yung tatlo sa aming dalawa.

"Order na kayo. Isasama nyo pa kami?" Naunahan na ako ni Cath.

Nagkamot ng ulo si Blake. "Hindi na, itatanong ko lang kung ano gusto mong kainin.."

"Ikaw na bahala.." Sagot ng kaibigan ko.

Tumalikod na yung tatlo...

"Hoy, patak-patak naman jan oh.. Naghihirap na ako eh.." Bulong ni Blake sa dalawang kasama nya.. bumulong pa?

"Tss. Ako na dun kay Ashley.." Singit Troy yan. Mayaman talaga 'tong isang to eh..

Pagdating nung tatlo may dala na silang mga tray..

Kumikinang na naman yong mga mata ko, oh!. Syempre pati si Cath. Ano yun? Ako lang ang patay gutom dito.

Umupo na silang tatlo..

Ganto yung arrangement namin..

Nasa isang round table kami.. Magkatabi kami ni Cath, sa kanan ko si Troy, kasunod niya si Bryan, tapos katabi naman ni Cath si Blake sa kaliwa niya.

AshleyWhere stories live. Discover now