Chapter 25

1.9K 51 1
                                    

Chapter 25

__________

Ashley's POV

Ilang araw na rin ang lumipas at ganoon pa rin ang set-up namin. Papasok kami ng morning tapos sasama na sa Knights para sa practice nila. Sa makalawa na ang game nila.

'Wag na kayong magtaka kung bakit kami pinapayagan ng mga prof. Hellooooo?! Blake is on our side... Tss. Kaya ang mangyayari nyan, sasabay kami sa Knights sa mga papasukan nilang mga special classes.

Pag-uwi naman.. sa kasamaang palad ang walangyang si Ethan ang lagi kong kasama. Ang dami ngang mga matang pinapatay ako sa tingin sa tuwing pauwi na kami. My gosh! Ibibigay ko naman ng buong-buo sa kanila eh.. hindi na nila ako kailangang pang patayin sa tingin.

Ewan ko. Bakit ba kailangang gawin nya pa 'to? I mean.. naiintindihan ko naman na inaalala nya na baka mapahamak ako.. at KASALANAN nya ah! pero bakit sya pa yung kailangang gumawa nito, 'di ba?! Pwede namang si Troy! Mamatay ako ng maaga dahil sa walangyang 'yon eh! Sarap ihampas ng ulo nya sa hood ng BMW nya! Kaasar!

“Hoy! Tara na!”

See?! Ni hindi man lang nya ako matawag ng maayos! Ashley, Inhale, exhale. Whoo!

Umirap na lang ako, tapos ay tumayo na at sumunod sa kanya palabas.

Nagpaalam na sina Blake at Cath. Of course, si Blake ang laging naghahatid kay Cath pauwi. Si Bryan naman ay mukhang kay Troy sasakay dahil hindi ko makita yung sasakyan nya. Well, hindi ko rin makita yung BMW ni Ethan.. maglalakad kami?

“Kita-kita na lang tayo sa D Street, ah Ethan?” Sabi ni Bryan bago sumakay ng kotse ni Troy.

D Street?! San 'yon?

“Ano 'yong D Street?” Tanong ko dito sa kasama ko.

“Gangster's place..”

Tumango-tango na lang ako.. Ano pa bang sasabihin ko, di ba?

“Diyan mo 'ko isasakay?!” Tanong ko ng tumigil kami sa isang MAMAHALING motor. Paano ko nalamang mamahalin? Eh, yung itsura palang kasi nung motor parang sumisigaw na ng “Hey, I'm expensive!” tss.

“'Wag ka ngang maarte! Dapat nga magpasalamat ka pa dahil isasakay kita dito eh..”

“Kapal rin naman ng mukha mo, eh no?! Hindi ako kagaya ng mga babae diyan na parang mangingisay na tuwing dumadaan ka. MV Agusta lang yan wag ka ngang mayabang!”

“Paano mo nalaman?! Tss. Hindi ko ginamit yung isa kong motor dahil alam kong ikaw lang ang sasakay!”

So, ibig sabihin may mas maganda pa syang motor bukod dito? Tss. Rich kid talaga.

AshleyWhere stories live. Discover now